Patay sa engkwentro ng mga sundalo sa Northern Samar ang hinihinalang ranking commander ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Lieutenant Colonel Joemar Buban, nakipaglaban ang mga sundalo sa sampung rebeldeng npa sa barangay San Francisco sa bayan ng Catubig.
Kinilala ang nasawing ranking commander na may alyas ‘Prix’ na siyang namuno sa NPA platoon.
Si Prix ang may kagagawan ng pag-atake sa ilang ahensiya ng gobyerno at indibidwal sa Northern Samar maging ang extortion activities.
Nasabat sa operasyon ang dalawang M16 rifles, habang dinala ang bangkay ni Prix sa Catubig Rural Health Unit para sa pagsusuri at maayos na disposisyon. —sa panulat ni Abby Malanday