Hindi pinagbigyan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang permit to rally ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan para sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa aplikasyon ng Bayan, hinihiling nitong makapagsagawa ng rally sa Batasan road sa Commonwealth Avenue, Quezon City sa Lunes.
Gayunman, ibinasura ng DPOS ang hirit ni Bayan Secretary General Renato Reyes, Jr. batay na rin sa rekomendasyon ng Quezon City Police District.
Ipinunto ng DPOS na hindi isang freedom park ang Batasan road para magsagawa ng kilos-protesta o anumang mass gatherings; maka-aapekto ang aktibidad ng Bayan sa normal na daloy ng trapiko para sa mga dumaraan sa Batasan o Commonwealth Avenue.