IPINAUUBAYA na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga medical professionals at sa kanilang mga pasyente ang desisyon kung gagamitin nito ang Ivermectin bilang panlaban o gamot kontra COVID-19.
Sa kanyang regular na Talk to the People, ipinaliwanag ng Pangulong Duterte na nais niyang ang mga doktor at ang mga tao na ang susugal sa bisa ng anti-parasitic drug laban sa impeksiyon.
Ayon sa Punong Ehekutibo, hindi niya rin naman maaaring balewalain ang ilang claims na epektibo ang Ivermectin laban sa coronavirus.
Matatandaang ilang beses nang nagbabala sa publiko ang Department of Health o DOH laban sa pag-inom ng Ivermectin kahit marami nang public officials at ilang senador ang umaming gumagamit sila ng naturang gamot.