Bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila partikular na ang manok, isda at gulay.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Marikina public market, mula sa dating P160 sa kada kilo ng manok, bumaba na ito sa P140-P146 per kilo.
Nasa P260-P290 naman ang kada kilo ng baboy habang P80-P95 ang per kilo ng bangus pero depende parin ang halaga nito sa laki o sukat.
Pagdating naman sa presyo ng mga gulay, ang kada kilo ng kamatis ay nasa P15; sibuyas na ginto parin ang presyo na aabot sa P160-P190 per kilo; P45 naman sa kada kilo ng ampalaya; P35 ang per kilo ng talong at luya; habang mabibili naman sa halagang P18 ang kada kilo ng sayote.
Makakabili rin ng tatlong piraso ng bawang sa halagang P20 habang P10 naman ang kada supot ng siling pula at siling pang sigang.
Ayon sa ilang mga mamimili, mas mapapagaan ang kanilang gastusin dahil mas mababudget na nila ang kanilang kita dahil sa mababang presyo ng pangunahing bilihin sa merkado.