Pinagtutuunan ng pansin ng Department of Health ang health care utilization rate sa ilang lugar sa bansa kaugnay sa COVID-19 ayon kay Health Secretary Duque III.
Batay sa ulat ni Duque kagabi kasabay ng ulat sa bayan ng Pangulo, nasa kritikal na lebel ang mga ospital sa Davao De Oro at Baguio City dahil halos aniya puno na ito ng mga pasyente.
Samantala, nasa high level naman ang estado ng health care utilization rate sa Nueva Vizcaya at Agusan Del Norte.
Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ang IATF para pag-usapan ang rekomendasyon nila sa Pangulo ukol sa pagbabago ng quarantine status ng mga lugar sa bansa para sa susunod na buwan.— sa panulat ni Agustina Nolasco