Ikinakasa na ng gobyerno ang pooled testing bilang isa sa malaking pagbabagong ipatutupad kaugnay sa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque natapos na ang ginawang pilot testing para sa pooled testing na isasapinal sa pulong ng IATF kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito.
Ipinabatid ni Roque na kapag naipatupad na ang pooled testing maaaring nasa P300.00 na lamang ang bayaran para sa COVID-19 test.
Lalabas aniyang paghahatian ng sampung taong sasailalim sa pooled testing ang isang testing kit na nasa hanggang P3,000 ang kada isa.