Umaapela ang grupo ng mga drayber at kundoktor ng EDSA bus carousel hinggil sa pagre-release ng kanilang mga suweldo sa EDSA kamuning kaninang umaga.
Ayon sa grupo, naantala mula pa noong May 2021 ang kanilang sahod kung saan ito’y tinatayang aabot sa kabuuang 20 milyong piso.
Kaugnay nito, inakusahan ng isa sa nagprotesta na si Norberto Vizconde ang gobyerno na nakikipagsabwatan umano sa bus operators.
Umalis naman ang grupo matapos ang ilang sandaling pagtitipon sa nasabing lugar para magtungo sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Samanatala, wala pang pahayag hingil sa isyu ang naturang ahensya at ang mga kinauukulang bus operator.—sa panulat ni Airiam Sancho