Sorpresang binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New City Commercial Complex o NCCC mall sa Davao City matapos na masunog ito kahapon.
Pasado alas 10:00 kagabi nang dumating sa mall si Pangulong Duterte na nakatira lamang malapit sa naturang establisyimento.
Ininspeksyon ng punong ehekutibo ang natupok na gusali kung saan pinaghahanap ng mga bumbero ang nasa tatlumpung (30) katao na karamiha’y call center workers na nawala sa kasagsagan ng sunog.
Ayon kay Senior Insp. Ma. Teresita Gaspan, spokesperson ng Davao City Police Office, pasado alas 9:00 nang magsimula umanong kumalat ang apoy sa furniture section sa 3rd floor ng mall.
Dakong ala 7:00 kagabi nang ma-control ng mga bumbero ang nasabing sunog na inaalam pa ang sanhi.