Umalma si Cebu Governor Gwen Garcia sa pag aresto ng mga otoridad sa mga hindi naka face mask sa lalawigan.
Sa gitna na rin ito nang pagkontra ng ilang otoridad sa direktiba ni Garcia na gawing optional ang pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Garcia, walang legal na basehan ang pag aresto sa mga hindi naka face mask sa kanilang lalawigan at paninindigan aniya niya ang kanyang kautusang optional na lamang ang pagsusuot ng face mask.
Hindi aniya dapat na gawing parusa ang pag aresto sa mga taga-Cebu na walang suot na face mask.
Iginiit ni Garcia ang autonomy ng local government units kaya’t dapat silang konsultahin ng IATF.