Pinayagan na ng Department of Education (DEPED) ang pagsasagawa ng christmas party sa mga paaralan sa bansa.
Sa kabila ito ng nagpapatuloy pa ring banta ng COVID-19 lalo’t isa pang subvariant ng Omicron na BQ.1 ang na-detect sa Pilipinas.
Ayon sa DEPED, inihahanda na nila ang mga panuntunan upang maiwasan ang hawaan at magdulot ng muling pagtaas ng kaso.
Wala namang magulang ang nagpahayag na pagtutol at pag-aalinlangan sa kautusan.