Pinaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang pagpapahinto sa Second Round National Vaccination Drive sa ilang rehiyon sa bansa bunsod ng banta ng Bagyong Odette.
Ayon sa National Vaccination Operations Center, iuurong sa December 20 hanggang December 22 ang pagbabakuna sa Bicol Region, MIMAROPA, Visayas at Mindanao.
Habang itutuloy naman ngayong araw, December 15 hanggang December 17 ang Vaccination Drive sa Northern Luzon, Central Luzon at CALABARZON.
Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga magpapabakuna, health workers at volunteers sa posibleng epekto ng Bagyong Odette. - panulat ni Angelica Doctolero