Kumbinsido si dating North Cotabato Governor Manny Piñol na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang susuportahan ni Congressman Manny Pacquiao sa pampanguluhang eleksyon.
Ayon kay Piñol, napilitan lamang si Pacquiao na tumakbong senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar Binay dahil sa pag-aakalang hindi na tatakbo si Duterte.
Sa katunayan, bago aniya ito nagtungo sa UNA ay nagpaalam pa ito kay Duterte.
“Infact si Manny Pacquiao nga natulala nung sinabi sa kanya na Congressman, maliban sayo lahat ng miyembro ng People’s Champ Movement, which is his party actually ay Duterte, sabi na lang ni Manny kung mananalo si Rudy, masaya ako, kung mananalo si Binay, masaya din ako, pero hahayaan ko yung mga taong pumili, at the end of the day I think Manny will go back to Duterte.” Pahayag ni Piñol.
By Len Aguirre | Ratsada Balita