Walang direktang pahayag si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista hinggil sa no el o no elections sa 2016.
Nilinaw sa DWIZ ni Bautista na tanging ang inihayag niya ay magagahol sila sa oras sa kanilang paghahanda sa 2016 elections dahil sa TRO ng Korte Suprema sa pagpapatupad nila ng no bio, no boto program.
Iginiit ni Bautista na apektado ang timeline nila ng nasabing TRO lalo na’t nakatakda na kung kailan dapat matapos ang paglilista ng mga rehistradong botante sa kada presinto.
“Sa amin pong time line dapat pong mangyari ito by December 15, kami po ay nakapag-order na ng mga supplies kasi ang aming estimate ang ating number of registered voters will be around 64.5 or.6 million ang problema ngayon is kung idadagdag pa yung 2.4 million voters kailangan po namin again isipin kung ano dapat na bilhing muli, so sabi namin makakaantala ito sa aming paghahanda.” Pahayag ni Bautista.
By Judith Larino | Karambola