Walang ibibigay na extension ang LTFRB sa mga operator at driver ng mga school service units na may edad 15 pataas.
Binigyang diin ni LTFRB Chair Winston Ginez na binigyan na nila ng sapat na panahon ang mga driver at operator para i upgrade ang kanilang units base na rin sa modernization program ng ahensya
Ayon kay Ginez nagbigay sila ng phase out period para makapag adjust ang mga operator at driver at magkaruon ng oportunidad na makahanap ng financing at sinabi nilang ipatutupad na lamang ito sa school year 2015-2016
Subalit nuong 2015 ipinabatid ni Ginez na pinalawig pa ng board ng isang taon ang pag upgrade ng units at pinagawa nila ng affidavit of undertaking ang mga driver at operator na dapat ay may bagong sasakyan nila na compliant sa requirements simula sa June 2016
By: Judith Larino