Nangako si House Speaker Martin Romualdez ng masusing pagsusuri sa pambansang budget.
Sa sesyon ng House Committee on Appropriations, tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na bawat gastusin ay dapat may pakinabang ang taumbayan.
Anila, masusing pag-aaralan ng mababang kapulungan ang panukalang 6.793-trillion-pesos 2026 national budget.
Ayon kay Speaker Romualdez, bawat pisong tinatalakay sa deliberasyon ay may pinaglalaanan at bawat gastusin ay dapat may pakinabang sa bawat Pilipino.
Aniya, ang pagpopondo ay hindi lamang prinsipyo sa pananalapi kundi moral at sagradong tungkulin upang tutukan ang pagpapaunlad ng edukasyon; pababain ang presyo ng pagkain; palakasin ang sistemang pangkalusugan; lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga kabataan; tulungan ang kabuhayan ng mga magsasaka; at ipagtanggol ang soberanya ng bansa.