Hindi na magagamit at nasayang lamang ang mga paraphernalya na sana ay gagamitin para sa nakatakdang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao elections.
Sinabi mismo ni Commission on Elections spokesman Atty. John Rex Laudiangco sa DWIZ, na dahil idineklarang unconstitutional ang BARMM elections, magiging back to zero ang nasabing halalan.
Dagdag pa nito, na bagama’t hindi na matutuloy ang halalan sa Mindanao, kinakailangan pa rin bayaran ng Comelec ang mga kagamitan na dapat gagamitin sana sa naturang eleksyon, na umabot sa 1 bilyong piso.
Ayon pa kay Atty. Laudiangco, hihintayin pa ng Comelec ang panibagong batas mula sa Korte Suprema, bago ito makapagsimula sa paghahanda para sa BARMM elections.




