Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Labor and Employment laban sa reklamong inihain ng ilang business process outsourcing o BPO employees sa Cebu kasunod ng sinasabing pagpipilit sa kanilang pumasok pa rin sa kasagsagan ng lindol.
Ayon sa DOLE, kasalukuyang nakikipag-ugnayan na sila sa DOLE Region 7 para tignan ang nasabing reklamo.
Bilang bahagi ng imbestigasyon, pagpapaliwanagin din anya ng ahensya ang nasabing kumpanya para mabigyang linaw ang reklamo ng kanilang mga empleyado.




