Maraming ahensya ng gobyerno ang dapat na bawasan ng budget
Ito, ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, ay dahil ilan sa mga ahensya ang pinaglalaanan pa rin ng pondo kahit wala nang silbi ang kanilang mandato para sa mga Pilipino, tulad ng Optical Media Board at Philippine Racing Commission.
Paliwanag ng Senador, upang hindi masayang ang ibinibigay na pondo ay ilipat na lamang ito sa mga ahensyang talagang nangangailangan tulad ng Department of Health.
Gayunman, nilinaw pa rin ni Sen. Gatchalian na hindi ito nangangahulugang bibigyan ng zero budget ang mga nasabing ahensya, gayong pag-aaralan pa rin nila ang Government Optimization Law upang malaman kung paano mas maayos na ma-ililipat sa ibang departamento ang kanilang budget.




