Magsasagawa ang Manila Cathedral ng pagbendisyon ng abo sa mga namatayang mahal sa buhay tuwing araw ng linggo.
Sinabi ng Minor Basilica of the Immaculate Concepcion sa kanilang Facebook post sinimulan na nito ang rite of blessing of cremated remains nitong Oktubre 24.
Isasagawa ang pagbebendisyon ng mga urn sa ika-31 ng Oktubre, 7 at 14 ng Nobyembre.
Maaaring dalhin ng pamilya ang urn at larawan ng kanilang mahal sa buhay, upang mabendisyunan ng maayos ang mga ito.