Nagsagawa ng misting operation ang mga kawani ng Makati Health Department sa ilang barangay sa lungsod upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok ngayong patuloy na nararanasan ang mga pag-ulan.
Partikular na tinutukan sa misting operation ngayong araw ay ang Barangay Guadalupe Nuevo at Barangay Comembo.
Ayon sa Makati Health Department, layunin ng programang ito na sirain ang mga lugar na maaaring pangitlugan ng mga lamok na may dalang dengue virus at iba pang mosquito borne diseases.
Kasabay nito, hinikayat ng MHD ang kanilang mga mamamayan sa Makati na linisin ang lanilang bahay at kapaligiran upang mapigilan ang pagdami ng lamok.