Pinababasura ni dating PDEA chief Dionisio Santiago ang taguring “oplan tokhang” sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga dahil sa negatibong pananaw hinggil dito.
Ayon kay Santiago, masama ang dating ng katagang “tokhang” na nangangahulugang patay na kaagad gayung ang orihinal na konsepto ng anti-drugs war ng gobyerno ay hindi naman nakatuon sa pagpatay.
Gayunman, sinabi ni Santiago na nagkaroon na ng mga pang aabuso tulad ng mga kuwestyunableng operasyon kaya’t naging negatibo na ang kahulugan ng salitang “tokhang”.
Kasabay nito, kinontra ni Santiago ang hamon ni PDEA Chief Aaron Aquino kay Vice President Leni Robredo na sumama sa illegal drugs operations dahil inilalagay ng opisyal sa alanganin ang buhay ng pangalawang pangulo.