Nai-convert na ng provincial government ng Maguindanao ang hindi na nagagamit na lumang gusali ng kapitolyo nito sa Shariff Aguak bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) isolation facility para sa mga darating na locally stranded individuals (LSI)’s.
Pinangunahan ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang inagurasyon ng nasabing pasilidad kasama si Provincial Health Chief Dt Elizabeth Samama.
Ang naturang isolation facility na mayruong 200 beds ay ikatlo na sa Maguindanao.
Ang nasabing tatlong palapag na gusali ay ipinatayo ng Ampatuan family sa halagang P218-million bago ang ang 2009 Maguindanao massacre.
Una nang ginamit na bodega ang nasabing gusali bago ang nasabing masaker.