Dinukot ng hindi bababa sa limang kalalakihan ang mag-asawang may ari ng isang coconut plantation sa Siocon Zamboanga del Norte.
Ayon sa Philippine National Police o PNP Region 9, Biyernes ng mag 8:00 ng gabi nang pasukin ng mga salarin ang bahay ng mga biktimang sina Jose Duterte, 63 taong gulang at Jessica Barason-Duterte 52 taong gulang.
Isinakay anila ang mga biktima sa motorized banca at tumungo sa hindi pa matukoy na direksyon.
Sa ngayon, sanib pwersa na ang pulisya at militar para masagip ang mag-asawang Duterte.
Inaalam pa ng mga otoridad kung kamag-anak ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dinukot.
By Jonathan Andal