Patay ang 34-anyos na lalaki matapos malunod sa Naga City sa kasagsagan ng taunang Traslacion ng Nuestra Señora de Peñafrancia.
Ayon sa awtoridad, bago mangyari ang insidente, nasangkot ang biktima sa suntukan laban sa tatlong indibidwal.
Hinabol ng mga ito ang biktima hanggang sa pinangyarihan ng insidente kung saan nahulog ito sa tulay sa Naga River.
Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Maliban sa nasawi, hindi bababa sa sampu ang nasugatan sa nasabing prusisyon na bingiyan ng agarang atensyong medikal.