Tatlong bangka ang tumaob sa gak-ang island dahilan para malunod ang isang 62-anyos na boatman habang nasagip ang 20 turista sa Panglao, bohol.
Kinilala ang nasawi na bangkero na si Avenito Vistal.
Sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard-Western Bohol, tumaob ang mga bangkang de motor dahil sa masamang panahon.
Ang mga bangka — RBCA Margie 2, RBCA Plaza 2, at RBCA Leah Mae — ay nagmula sa Balicasag Island para sa diving at snorkeling tour.
Gayunpaman, nang sila ay babalik na sa Panglao Island, ang mga bangka ay hinampas ng malalaking alon at malakas na hangin malapit sa Gak-Ang Island o cat Island.
Karamihan sa mga pasahero ay mga koreano na nasa mabuting kalagayan na matapos ang insedente.