Isinilang sa Singapore ang kauna-unahang panda cub sa pamamagitan ng isang artificial insemination.
Ayon sa Wildlife Reserves ng Singapore, isang 12 years old na female giant panda na si Jia Jia ang nagsilang ng isang cub matapos siyang sumailalim sa insemination mula sa frozen semen ng isang 13 years old na panda na si Kai Kai.
Galing ang mga panda sa China na sa 10 year loan na dumating sa Singapore taong 2012.
Kabilang ang giant panda sa listahan ng vulnerable species ng International Union for Conservation of Nature. —sa panulat ni Rex Espiritu