Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa posibleng paglala ang COVID-19 sa ukraine ngayong may sagupaan sa pagitan nila ng Russia.
Nabatid na bago maganap ang digmaan, mayroon nang naitalang 4 million 783,835 na tinamaan ng COVID habang 105,229 dito ang nasawi.
Sa ngayon ay kinukulang na rin ang suplay ng oxygen at gamot dahil sa paghinto ng mga pabrika na gumagawa at nagsusuplay ng oxygen, gayundin na may krisis na rin sa suplay ng mga gamot.
Samantala, bukod sa mga hindi umalis sa Ukraine, maaari rin umanong kumalat ang COVID-19 sa nasa isang milyon nang refugee na nakalabas nang Ukraine at nasa pangangalaga na ng iba’t ibang bansa.