Nanawagan si Senador Imee Marcos sa gobyerno na itigil na ang pag-angkat ng baboy na tanging ang makikinabang lamang ay mga tiwaling importers na ginagamit ang kulang na local supply ng baboy dahil sa African Swine Flu.
Sinabi ni Marcos, na hindi dapat mawalan ng negosyo ang local producers dahil sa pagbaha ng pork imports sa merkado.
Inihayag pa ni Marcos, na magsisimula na ang pagkatay sa mga local hog raisers kapag ipinatupad ng Department of Agriculture ang plan nitong itaas ng tatlong beses sa kasalukuyang 54,000 metric tons ang minimum access volume ng pork imports.
Tila aniya nag o overcompensate ang DA sa pagmamadali nitong pataasin ang import para mabawasan ang presyuhan ng karne.
Sa halip binigyang diin ni Marcos, chair ng Senate Committee on Economic Affairs na dapat pabilisin ng d.a ang imbestigasyon nito sa pag horad ng pork products na nagiging dahian ng artipisyal na pagtaas ng presyo ng karne sa merkado sa gitna ng pagkalat ng ASF partikular sa Luzon.