Nakapagtala ng positive growth rate ng aktibong mga kaso ang ilang mga lugar sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ng positive one-week growth rates mula Abril 12 hanggang 18 ang Pateros na may 100%; Navotas, 80%; Las Piñas, 27.3%; Parañaque, 16.4%; Taguig, 7.5%; Muntinlupa, 14.3% at Marikina, 10%.
Hindi naman sinabi ng doh ang eksaktong bilang ng mga kaso sa naturang mga lugar.
Samantala, tumaas ang total bed at intensive care unit (ICU) utilization rates sa Valenzuela City dahil sa binawasang bilang ng mga nakalaang kama para sa mga pasyenteng may covid-19.
Bahagya namang tumaas ang overall hospital admissions ng mga may covid-19 sa Pasig City.
Nitong Miyerkules nang makapagtala ang doh ng 365 na bagong kaso ng covid-19.