Tinanggal na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang depoloyment ban sa Kuwait.
Ito’y matapos makasuhan ng murder ang mga suspek sa pumatay na OFW na si Jeanelyn Villavende.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaari nang makabalik ang mga skilled, semi-skilled, at mga nasa professional category Filipino workers.
Samantala, sinabi ni Bello na sakop pa rin ng partial ban ang mga newly-hired at balik-manggagawa na household workers.
Una nang inaprubahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang total deployment ban sa Kuwait noong Enero 15 matapos ang brutal na pagpatay sa OFW na si Jeanelyn Villavende.