Kinumpirma ng Philippine National Police na may mga insider sa Kingdom of Jesus Christ, gaya ng ilang babaeng miyembro ng KOJC, ang naging susi upang matunton si Pastor Apollo Quiboloy.
Nasukol umano si Pastor Quiboloy sa loob ng “bible school” Sa KOJC Compound sa Davao City, noong linggo.
Sa press briefing kahapon sa Kampo Crame, Quezon City, nilinaw ni Police Regional Office-11 Director, Brig. Gen. Nicolas Torre III na “formality” Na lamang ang pagsuko ng religious leader.
Ito, ayon kay General Torre, ay dahil napapalibutan na si Quiboloy ng mga tropa ng gobyerno sa ACQ College of Ministry, sa loob ng compound kaya’t napilitan nang sumuko.
Alas diyes pa lamang ng umaga nang magpadala ng surrender feelers ang kampo ni Quiboloy makaraang mapagtanto ng mga KOJC members na pinalibutan na sila ng mga pulis.
Binigyang anya nila ng ultimatum si Quiboloy nang hanggang ala una para sumuko dahil kung hindi ay gagamit na ng pwersa ang mga pulis pero pinalawig hanggang alas tres ng hapon para sa negosasyon hanggang sa sumuko ang religious leader.