Mahigpit nang binabantayan ng PNP o Philippine National Police ang inactive armed group ng CPP o Communist Party of the Philippines na Alex Boncayao Brigade.
Kasunod ito ng ulat na sumanib na ang nasabing grupo sa Balik Islam, isa sa mga hinihinalang front ng terorismo sa bansa.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NCRPO Director Chief/ Supt. Oscar Albayalde na kanilang na-monitor na nag-convert ang ilang miyembro ng Alex Boncayao, dahil hindi na aktibo ang nasabing grupo at naghanap ng ibang grupo.
Dagdag ni Albayalde, nagbibigay din ng pera ang grupong Balik Islam sa kanilang mga nahihikayat na miyembro kaya na-engganyo ang Alex Boncayao na sumanib.
Gayunman, pagtitiyak ni Albayalde, wala aniyang dapat ika-alarma ang publiko.