Gumulong na ang imbestigasyon ng Ombudsman sa pagpaslang umano ng mga Pulis Caloocan kay Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales nagpadala na ang Office of the Military Affairs ng subpoena sa mga dapat humarap sa kanilang imbestigasyon.
Una nang iminungkahi ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon na mas makabubuting ang Ombudsman na ang mag imbestiga sa usapin sa halip na ang DOJ para matiyak na magiging patas ito.
By: Judith Larino / Cely Bueno
SMW: RPE