NAKARANAS ng pag-ulan na may kasamang mga butil ng yelo ang ilang bayan ng Abra.
Ayon sa Office of Civil Defense o OCD-Cordillera, ang hailstorm ay nangyari nitong Linggo ng umaga.
Sa isang post ng ahensya, makikita sa larawan ang sinasabing mga yelo mula sa ulan na mas malaki pa sa butil ng mais.
Karaniwan umanong nararanasan ang pag-ulan ng yelo o hailstorm kapag may thunderstorm.