Kasado na ang ika-8 sunod na linggo ng oil price hike.
Epektibo bukas ng alas-6 ng umaga, ipinabatid ng Pilipinas Shell at Seaoil Philippnes ang 1.80 na dagdag sa presyo ng gasolina kada litro, 1.50 sa diesel at 1.30 sa kerosene.
Ganito rin ang mga presyong ipatutupad ng Cleanfuel simula alas 4:01 ng hapon bukas, maliban sa kerosene na hindi kabilang sa mga produkto nito.
Ayon sa DOE nasa 17.85 na kada litro ang kabuuang taas presyo ng gasolina, 16. 50 naman sa diesel at 14.19 sa kerosene hanggang October 12.