Tinutugis pa rin ang mga tinuturong may-ari ng tatlong planta ng marijuana sa lalawigan ng Cebu.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 mahigit 11,000 ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng higit P4.6-M ang pinagbubunot ng mga otoridad sa barangay Gaas, Balamban.
Kasunod nito, nasamsam nila ang halos 40,000 ng nasabing droga na tinatayang nasa P16-M sa barangay General Climaco.
Sa kabuuan, mahigit P20.6-M ang halaga ng mga nasirang pananim. —sa panulat ni Airiam Sancho