Tutulong ang French experts para matutukan at matugunan ng Pilipinas ang mga usapin ng energy at food security ng bansa.
Ipinabatid ito ni French Ambassador to the Philippines and Micronesia Michele Boccoz matapos ang face to face meeting nina Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos, Jr. at French President Emmanuel Macron sa New York nuong Setyembre.
Sinabi ng French Ambassador na masusing pinag usapan ng dalawang lider ang resulta nang pagsalakay ng Russia sa Ukraine sa sitwasyon at presyuhan ng pagkain at langis na aniya’y na weaponized na.
Tiniyak ng ambassador ang commitment nilang makipag ugnayan sa Pilipinas sa pag shift nito sa green energy, sustainable agriculture at green development kaya’t agaran na silang bumuo ng French Task Forces para sa food at energy security.