Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa pagbili ng hindi rehistradong mga pagkain at supplements.
Sa inilabas na advisory ng FDA, tinukoy ang ilang produkto na hindi dapat bilhin at gamitin ng publiko.
Ilan sa mga ito ay ang:
-Gluta Slim 22-In-1 Herbal Coffee Mix
-Magnesium Therapy Oil with Black Cumin Oil Food Supplement,
-Manuka Honey Candy
-Rooibos Tea
-Testoultra Testosterone Enhancer
Ayon sa FDA, dahil hindi rehistrado ang mga nabanggit na produkto, walang garantiya na ito ay ligtas para sa konsumo ng publiko.