Home HEALTH

HEALTH

LEMON CALAMNSI

Maraming benepisyong hatid ang Lemon Water at Calamansi sa ating katawan.

Ito ay ang mga sumusunod;

1. Ang Lemon at Calamansi ay mayaman sa Vitamin C at Fiber na maganda sa balat, mata at puso. Posible din itong makatutulong sa sipon, lagnat, at problema sa gilagid.

2. Ang mga Citrus fruits, tulad ng Lemon, Dalandan, Orange at Calamansi ay mayaman sa Vitamin C na kailangan para ma-absorb ng katawan ang Iron at hindi maging Anemic.

3. Hindi pa tiyak pero makakatulong sa pagpapayat ang Lemon dahil binabawasan nito ang gana kumain. Kapag uminom ka ng Lemon water ay mas busog ka. Kaya konti na lang ang makakain.

4. Makakatulong din ito para hindi ma-dehydrate at kumulubot ang balat. Makaiiwas din sa pagbuo ng bato sa bato o kidney stones.

June 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LUNG BAGA

Paano linisin ang baga o lung cleansing technique

Narito ang ilang paraan:

  1. Steam therapy- Ang paglanghap ng singaw ng tubig ay para buksan ang mga daanan ng hangin at tulungan ang baga na umagos ang plema.
  2. Gawin ang postural drainage- Ito ay ang paghiga sa iba’t ibang posisyon para magamit ang gravity para alisin ang plema.
  3. Dahan-dahan na tambulin ang dibdib o chest clapping – Ang pagtambol ng dibdib ay isang epektibong paraan para alisin ang plema sa baga at;
  4. Pag-eehersisyo- Ang regular na pag-eehersisyo ay maaaring mapabuti ang pisikal at mental na kalusugan ng tao.

Binabawasan din nito ang panganib ng maraming mga kondisyon sa kalusugan tulad ng stroke at sakit sa puso at nagpapabuti rin ito ng sirkulasyon ng dugo.

June 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
UBAS

Alam niyo ba na maraming benepisyong pangkalusugan ang Ubas?

Ang Ubas o Grapes ay mayaman sa bitamina at mineral na nagbibigay nutrisyon sa katawan ng tao.

Ang Ubas ay maaaring gawing juice na nakakatulong sa sakit ng ulo.

Mayroon din itong Antioxidant na nagbibigay proteksyon laban sa Cancer.

Nakakatulong ito upang maiwasan ang sakit sa puso. Isa rin ang Ubas na nakakatulong sa mga taong inaatake ng matinding hika.

Buko dito, ang pagkain ng Ubas ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa Diabetes.

Ayon sa mga eksperto, ang Ubas ay maraming nutrisyong pangkalusugan ngunit hindi ito maaaring alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.

June 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NECK PAIN - SAKIT LEEG

Narito ang ilang dapat gawin kapag nakakaranas ng pagsakit ng leeg.

  1. Subukan ang cold o hot compress para mabawasan ang pamamaga. Gawin ito ng dalawampung minuto kada araw.
  1. Subukang maligo ng maligamgam na tubig o gumamit ng heating pad at i-set ito sa mababa para ma-relax ang pananakit ng muscle.
  1. Magpahinga o humiga sandali gamit ang mababang unan.
  1. Iwasan ang pag-ipit ng telepono o cellphone sa pagitan ng tainga at balikat.
  1. Pumili ng unan na pwedeng suporta sa natural curve ng leeg.

 

 

May 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HEADACHE2

Para sa mga madalas mahilo sa biyahe lalo na yung papasok at pauwi ng trabaho, narito ang tips para sa inyo;

  1. Tumingin lang sa malayo para malibang ang mata at isip. Huwag magbasa o mag-text.
  2. Panatilihin ang ulo na naka-diretso, habang nakasandal.
  3. Huwag manigarilyo at huwag umupo sa tabi ng taong naninigarilyo.
  4. Huminga ng maraming sariwang hangin.
  5. Iwasan ang maaanghang at mamantikang pagkain at alak. Huwag kumain ng sobra.
  6. Uminom ng over-the-counter na gamot kontra sa hilo gaya ng Meclizine tablet.

Pero kung hindi pa rin ito sapat, gawin ang mga sumusunod;

  1. sa Barko: I-request sa cabin crew na payagang maka-upo sa harapan o gitnang bahagi ng barko, o sa itaas ng deck.
  2. sa Eroplano: Magtanong kung maaari kang payagan na ma-upo sa gawing harapan at sa gilid ng pakpak nito. I-direkta ang aircon sa iyong mukha.
  3. sa Tren: kumuha ng upuan na malapit sa harapan at tabi ng bintana. Kailangan nakaupo ka ng paharap at hindi talikod.
  4. sa mga Kotse at Bus: Maupo sa gawing harapan sa tabi ng driver.
May 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PETSAY

Mahilig ka bang kumain ng gulay na Pechay?

Ayon sa mga eksperto, ang Pechay ay maraming taglay na bitamina tulad ng Vitamin A, B, K, Calcium, Fiber at iba pa.

Ito ay magandang panlaban sa sakit tulad ng High Blood Pressure, Diabetes at sakit sa tiyan dahil mababa ito sa Calorie.

Makatutulong din ito para sa mga nagpapapayat at nakakadagdag enerhiya dahil sa taglay nitong Protina na tumutulong rin na ayusin ang mga nasirang body tissue.

May 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HYDROGEN

Alam niyo ba na hindi lamang para sa sugat ang Hydrogen Peroxide?

Ang Hydrogen Peroxide ay isang disinfectant o pampatay ng mikrobyo.

Taglay nito ang tubig o H2O at extra na oxygen molecule o H2O2.

Pinapatay naman ng oxidation ang mikrobyo at nag-aalis ng kulay o bleach sa mga magagaspang na gamit tulad ng tela.

Maaaring gamitin ang Hydrogen Peroxide sa mga gustong pumuti ang ngipin, paghaluin lamang ang pantay na sukat ng tubig at Hydrogen Peroxide at ipangmumog.

Pwede rin na ibabad ang toothbrush pinaghalong tubig at Hydrogen Peroxide at ipang sepilyo ng dalawang minuto.

Pampaputi rin ito ng kuko na nanilaw dahil sa mga nakakahawang kulay o madalas na paglalagay ng nail polish at paninigarilyo, isawsaw lamang ang bulak sa hydrogen peroxide at ipahid ito sa kuko.

May 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GAMU GAMO

Matapos ideklara ng PAGASA ang rainy season nitong Mayo a-18, dumagsa na sa mga kabahayan ang mga Gamu-gamo na senyales nang nalalapit na tag-ulan.

Pero ano nga ba ang mga paraan upang paalisin ang mga Gamu-gamo?

Una; gumamit ng makakapal na kurtina sa mga bintana na dapat laging nakasarado. Naaakit kasi ang Gamu-gamo sa ilaw kaya makakatulong ang palagiang pagsara ng bintana.

Pangalawa, maghanda ng mangkok na may tubig at itapat dito ang ilaw para sa tubig dumiretso ang Gamu-gamo at hindi na makalipad.

Pangatlo, maliban sa ilaw ay naaakit din ang Gamu-gamo sa cellulose at humidity kaya nakakatulong dito ito para ma-trap ang Gamu-gamo.

Pang-apat, maaari ring gumamit ng electric insect killer.

At panghuli, sign din ng pagkakaroon ng termites ang Gamu-gamo kaya mabuting ipasuri ang bahay sa mga eksperto.

May 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MULTITASKING

Maaring isang advantage ang pagmu-mutitasking lalo na sa mundo ng negosyo. PERO alam niyo ba na may masamang epekto ang madalas na pagmu-multitask?

Nababawasan nito ang pagiging produktibo at pagiging “efficient” ng isang tao o empleyado. Hindi maiiwasan ang multitasking lalo na kung DEMANDING si bossing. ‘Yung tipong hindi pa tapos ang unang utos mayroon na agad kasunod…tinalo pa yata ang “Ten Commandments” ni Moses.

Narito ang bad side effects ng multitasking:

LACK OF FOCUS

Halimbawa, habang may kausap ka sa telepono at nagbabasa ng email at nagsusulat ng kung ano-ano… ‘yan ang multitasking. Nawawalan ka na ng focus sa isang bagay – at ang epekto? Nababawasan ang kalidad ng trabaho dahil sa kawalan ng concentration. Madalas din ang pakiramdam na sobrang pagod kahit wala namang natapos na matinong trabaho—ang lahat ng ‘yan ay dahil sa pagmu-multitasking.

Solusyon: Unahin ang pinakamahalaga o ‘urgent’ na trabaho.

MEMORY IMPAIRMENT

Maari ring maging makakalimutin ang isang tao o empleyado nang dahil sa pagmu-multitask. Dahil sa patong-patong na trabaho hindi na nagpa-function ng maayos ang utak. Hindi na nito alam kung ano ang dapat unahin at ‘di na rin nito alam ang mahalagang trabaho sa hindi. Ayon sa pag-aaral noong 2009 ng Clifford Nass Ph.D. at ng Stanford University, sinuri nila ang mga participant na nagmu-multitask at karamihan sa mga ito ay mas inuuna ang hindi naman mahalagang bagay o impormasyon at kapansin-pansin din ang pagiging distracted ng mga ito.

Solusyon: Seek help, humingi ng tulong sa katrabaho kung kinakailangan.

TUMATAAS ANG STRESS LEVELS

Sunod-sunod na utos ng boss samahan pa ng nakakairitang katrabaho (kung napangiti ka, I’m sure relate ka)…sino nga naman ang hindi mai-stress? Stress can lead to burnout, madalas din nakararamdam ng katamaran ang isang tao o empleyado dahil dito. Mahirap talagang gawin ang mga activities o trabaho ng sabay-sabay. Hindi ka magiging produktibo kung patuloy mong gagawin ito. Malaki rin ang magiging epekto sa kompanya kung less productive ang isang empleyado. Mawawalan ng kalidad ang trabaho, hihina ang kita at malulugi pa ang negosyo. Maaring mag-resign ang mga empleyado at maipasa ang kanilang mga gawain sa mga naiwan nilang kasamahan. Hustle at magastos nga naman para sa kompanya kung maraming obrero ang magsisi-alis sa trabaho.

Solusyon: Prayers…Meditate…Smile kahit walang rason.

Marami talagang challenges sa isang workplace, isa na nga riyan ang pagmu-multitasking, bawasan o iwasan ito dahil maaring makasama ito sa utak at kalusugan ng tao. Tandaan na isa lang ang buhay ng tao, hindi ito parang video game na hulugan mo lang ng piso ay buhay na ulit ang ‘character’ mo. —sa panulat ni ANGELO BAIÑO

May 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CONSTIPATION

Para sa mga madalas makaranas ng constipation o yung hindi makadumi, narito ang mga pagkain para lumambot ang inyong dumi.

  1. Berdeng gulay tulad ng Kangkong, Spinach, Pechay, Malunggay at Talbos ng Kamote. Mataas ang gulay sa fiber na makatutulong sa pagiging regular ng pagdumi.
  1. Okra – sa mga gulay, kakaiba ang epekto ng Okra para mapalambot ang dumi. Ang Okra ay may malapot na likido na nagpapadulas sa pagdaan ng dumi.
  1. Oatmeal – puwede kang kumain ng isang tasang Oatmeal sa umaga. May sangkap itong Beta-Glucan (isang soluble fiber) na nagtatanggal ng Cholesterol sa ating katawan at makatutulong din sa pagdumi.
  1. Yogurt – ang Yogurt ay may taglay na mabuting Bacteria na may benepisyo sa ating tiyan at bituka.
  1. Tubig – napakahalaga ang pag-inom ng sapat na tubig para sa mga nagtitibi. Ang mga pagkaing mataas sa Fiber, tulad ng gulay, prutas at Oatmeal, ay kailangang humalo muna sa tubig para maging malambot ang dumi.

Subukang uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig o likido sa maghapon. Kapag kulang ka sa tubig, siguradong titigas ang iyong dumi.

May 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest