Home HEALTH

HEALTH

DIABETES

Para sa mga mahilig sa matatamis na gustong makaiwas sa Diabetes, narito ang listahan ng mga puwede niyong kainin.

  1. Pagkaing may Carbohydrates: ang carbohydrates tulad ng kanin, tinapay at spaghetti ay nagbibigay ng lakas sa atin. Ngunit pinapataas nito ang ating Blood sugar
  2. Pagkaing may Protina at Karne: piliin ang karneng hindi gaanong mataba. Tanggalin ang mga nakikitang taba sa baboy at baka bago ito lutuin.
  3. Gulay at Prutas: karamihan ng gulay at prutas ay mataas sa Fiber, Bitamina at Minerals. Sa bawat araw.

Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng Diabetes, limitahan o iwasan ang mga ito:

  • Brown Rice, white rice, sinangag at fried rice
  • Wheat Bread
  • Baked Potato
  • Spaghetti Mami, Miki
  • Tofu, Tokwa, Beans Bacon, Ham, Hotdog, Salami
  • Manok o Turkey balat ng manok
  • Inihaw, steamed o sinigang na isda pritong isda
  • Sari-saring gulay-gulay na nilagyan ng butter
  • Prutas tulad ng mansanas, peras at saging. Delatang prutas at matatamis na fruit juices
May 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NOSE BLEED

Marami ang nakararanas ng nosebleeding o pagdurugo ng ilong na madalas tuwing malamig ang panahon.

Ang kadalasang sanhi ng nosebleed ay trauma sa ilong tulad ng pagkakasuntok sa mukha, pagkalikot sa ilong o kapag sobrang lamig. Para masolusyunan, narito ang first aid kapag nakaranas ng nosebleeding:

  1. Umupo ng maayos at i-abante ang katawan.
  1. Pisilin ang ilong. Huminga sa iyong bibig. Pisilin ng lima hanggang sampung minuto. Ang pagpisil ay nagbibigay ng pressure sa nasal septum na nakapagpapatigil ng pagdurugo.
  1. Para maiwasan ang pagdurugo ulit ng ilong, huwag kalikutin ang ilong at huwag bumahing o suminga gamit ang ilong.
  1. Iwasan ang paninigarilyo dahil nagreresulta ito ng panunuyo at iritasyon ng ilong.
  1. Panatilihing mas mataas ng iyong ulo kaysa sa iyong puso huwag munang humiga.
  1. Kung sakaling dumugo ulit ang ilong, suminga sa iyong ilong upang matanggal kung mayroon mang namuong dugo at magpatak ng decongestant nasal spray na may oxymetazoline. Pisilin ang ilong at kapag hindi pa tumigil ay magpatingin na sa doktor.
May 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HEADACHE

Para sa mga magulang na labis ang pag-aalala kung nakakaramdam ng hindi maganda ang kanilang mga anak lalo na ang pananakit ng ulo.

Narito ang anim bagay na dapat bantayan:

  1. Alamin kung ang sakit ng ulo ay may kasamang lagnat at stiff neck. Hindi makatingala, hindi kayang idikit ang baba sa dibdib at hindi kayang tumango. Kapag hindi ito kaya, dalhin sa Emergency dahil baka mayroong Meningitis ang bata.
  2. Matinding sakit ng ulo na hindi nawawala kahit uminom ng Paracetamol o Ibuprofen.
  3. Kapag ang sakit ng ulo ay may kasamang pagsusuka kahit wala namang lagnat o pagtatae. Maaaring viral infection o maaaring nauntog ng malakas ang bata at nagkakaroon ng mataas na pressure sa utak
  4. Kapag ang sakit ng ulo ay may kasamang pagiging antukin, hirap maglakad, hirap magsalita at kumilos.
  5. Kapag ang sakit ng ulo ay nagiging dahilan ng pagkagising ng bata sa gabi habang natutulog. Kailangang dalhin sa doktor ang bata.
  6. Kapag ang sakit ng ulo ay lumalala kapag humihiga ang bata. Senyales ito na tumataas ng pressure sa utak ng bata at kailangan matingnan agad ng doktor.
May 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GRAVEYARD

Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nagtatrabaho sa gabi o yung mga tinatawag na graveyard shift.

Pero ayon sa mga doktor, nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ang graveyard shift.

  • una; naaapektuhan nito ang tagal at kalidad ng tulog.
  • pangalawa; nagpapataas ito ng risk na magkaroon ng diabetes.
  • pangatlo; nagpapataas nito ng risk na magkaroon ng obesity o labis na katabaan.
  • pang-apat; tumataas ng 30% ang risk na magkaroon ng breast cancer.
  • panlima; nagdudulot din ito ng pagbabago sa iyong metabolism.
  • at pang-anim; mas mataas ang risk nila na magkaroon ng depression.

Pero kung hindi maiiwasan, huwag pababayaan ang sarili, kumain ng masustansya, iwasan ang matataba, maaalat at matatamis na pagkain.

Iwasan din ang mga bisyo tulad ng sigarilyo at alak, magkaroon ng regular na ehersisyo at sikaping mabawi ang tulog sa umaga.

April 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Stress

Para sa mga laging stress at hindi na napapansing nakakaapekto na sa ating mga ginagawa;

Ano nga ba ang palatandaang stress ka?

  1. Nagiging iritable ka. Mabilis kang mainis sa mga tao o bagay sa paligid mo
  2. Nagkakaroon ka na ng singaw o sugat sa bibig
  3. Palagi kang gutom. Naghahanap ka palagi ng mga hindi masustansyang pagkain tulad ng mga prito, matataba, maaalat at matatamis na pagkain
  4. Sumasakit ang iyong tiyan o minsan parang hindi ka natutunawan
  5. Nagkakaroon ka ng maraming tigyawat sa mukha
  6. Sobrang bilis ng tibok ng iyong puso at sumasakit ang iyong mga muscles
  7. Laging masakit ang iyong ulo
  8. Lagi kang pagod. Kahit nakatulog ka ay parang kulang pa din ang pahinga.

Kapag nakakaranas ng mga nabanggit, magpahinga, matulog ng walong oras kada araw at magdasal upang maiwasan ang stress.

April 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TAG INIT

Nagbigay ng tips o paalala sa publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maiwasan ang heat stroke ngayong tag-init.

Ayon sa mga eksperto, kapag ang heat index ay umabot sa 27° celsius hanggang 32°c ay maaaring makaranas ng fatigue at heat cramp ang isang tao habang ang heat index naman na nasa 32°c hanggang 41°c ay maari namang maging sanhi ng heat stroke.

Ayon sa MMDA, mainam na magsuot ng mga light colored o yung hindi matingkad na kulay ng damit kung lalabas ng bahay dahil mas mataas ang tiyansa nitong makaabsorb ng init mula sa araw.

Palagi ding gumamit ng payong bilang panangga sa matinding sikat ng araw; uminom ng maraming tubig; at iwasang magbilad sa init ng araw upang maiwasan ang heat stroke.

Sakali namang makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, mabilis na pagtibok ng puso, at hirap sa paghinga, mainam na humingi agad ng tulong sa kinauukulan para agad na mabigyan ng atensyong medikal. —sa panulat ni Angelica Doctolero

April 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SKIN CONDITION

Ang pangangati ng balat ay mayroong iba’t-bang uri. May sakit sa balat na bahagya lamang ang epekto habang ang iba ay posibleng lumala.

Maari ringng magdulot ang pangangati ng balat ng impeksyon na dala ng bacteria, virus at fungi habang ang iba ay posibleng dulot ng allergy.

Gayunpaman, narito ang karaniwang sintomas ng sakit sa balat:

  • Namumula o namamagang bahagi ng balat
  • Sumasakit o humahapding balat
  • Natutuyo at gumagaspang na bahagi ng balat
  • Nagsusugat o nagnanana na bahagi ng balat
  • Nangangating balat

 

Sakaling makaranas ng mga ito ay dapat na magpakonsulta sa doktor para sa gamot at pampahid na maaaring ilagay. –  sa panulat ni Ariam Sancho

April 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GATAS MILK

Para sa mga hindi masyadong nagkakape at mas gusto ang sustansiyang hatid ng gatas.

 Alam niyo ba na marami itong benepisyo sa ating katawan?

  1. Pampalakas ng buto, humihina ang buto natin dahil sa maling posture at kakulangan sa masustansyang pagkain. Ang isang basong gatas ay naglalaman ng 113 mg calcium.
  1. Mayaman sa bitamina at mineral, ang gatas ay “superfood” na naglalaman ng lahat ng mahahalagang bitamina at mineral na ating kailangan. Ito ay may vitamin B12, na kailangan ng ating utak.
  1. Mayaman sa protina, ang 100 grams ng gatas ay naglalaman ng 3.2 grams ng protina. Ang protina ay tumutulong sa ating katawan para gumawa ng enzymes, palakasin at maghilom ang kalamanan, kasu-kasuan at balat.
  1. Nagpapa-kalma, tumutulong ang gatas na pakalmahin tayo at pinapapawi ang ating isip.
  1. Para malusog at maganda ang balat, ang pag-inom ng isa hanggang dalawang baso ng gatas kada araw ay makatutulong para gumanda ang iyong balat dahil sa sustansya nito.
  1. Para sa sobrang magpawis, ang sobrang pawis ay nakatatanggal ng electrolytes sa ating katawan gaya ng potassium at sodium. Nakatutulong ang gatas para muling maibalik ang mga nawalang sangkap.  sa panulat ni Abby Malanday
April 10, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
MABILBIL

Para sa mga mabilbil at ma-tiyan na hirap na hirap kung paano ba ito paliitin.

Narito na ang solusyon para rito;

  • Una, bawasan ang pagkain ng kanin at sitsirya.
  • Pangalawa, kumain ng mas mabagal, para mas madali kang mabusog.
  • Pangatlo, mag-ehersisyo ng tatlo hanggang apat na beses kada lingo. Palakasin ang masel sa tiyan, tulad ng stomach crunches.
  • Pang-apat, magkaroon ng tamang tindig o posture.
  • At panghuli, umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea. —sa panulat ni Abby Malanday
April 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OVEREATING - LABIS NA PAGKAIN

Ang pagkain ng labis ay nagdudulot ng masamang epekto sa ating katawan.

Ayon sa mga eksperto, ito ay dahil hindi natutunaw ng maayos ang pagkain.

Kapag labis anila ang pagkain ng marami ay dumodoble ang trabaho ng ating atay, pancreas, bato at puso na maaaring maging dahilan ng pagtaas ng blood sugar at maging sanhi ng pagtaba at iba pang karamdaman.

Payo ng mga ekperto, limitahan lamang ang pagkain ng kanin pero damihan ang pagkonsumo ng gulay at prutas.

Sa ganitong paraan ay dahan-dahan ang pagpasok ng nutrisyon at mas maginhawa ito sa mga organ ng katawan.  – sa panulat ni Airiam Sancho

March 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest