Home HEALTH

HEALTH

PAPAPAPAYAT

Para sa mga nagkakalaman ngayong covid-19 pandemic.

Alam niyo ba na mayroong mga pagkaing makatutulong sa pagpapapayat? Ito ang mga sumusunod;

  1. Gulay at ensalada (salad).

Ayon sa isang pagsusuri, ang mga taong kumain ng ensalada ay may mas mataas na lebel ng anti-oxidants sa kanilang katawan. Mataas sa fiber ang gulay, kaya ito nakabubusog sa kaunting calories lamang.

  1. Suha at grapefruit.

Ang pagkain ng grapefruit tatlong beses sa maghapon ay nakapapayat ng 4 pounds sa loob ng tatlong buwan.

  1. Mansanas.

Mabilis makabusog ang mansanas dahil ito ay may pectin, isang klase ng fiber na nakabababa ng cholesterol at asukal sa dugo.

  1. Peras o pears.

Ang mga taong kumakain ng tatlong peras o mansanas bawat araw ay mas mababa ang timbang kumpara sa hindi kumakain nito.

  1. Itlog.

Ang mga taong kumakain ng itlog sa almusal ay mas nabubusog.

  1. Saging.

Maraming benepisyo ang saging. May sangkap ito na makatutulong sa pagpapapayat. Ugaliing kamain ng isa hanggang dalawang saging bawat araw. —sa panulat ni Abby Malanday

March 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SALUYOT

Para sa mga mahilig kumain ng gulay-gulay.

Alam niyo ba na ang saluyot ang isa sa pinaka-masustansyang gulay sa mundo.

Pwede ito sa may diabetes, sakit sa puso at mataas ang cholesterol dahil siksik ito sa bitamina at minerals.

Pero ano pa nga ba ang ibang vitamins na taglay ng saluyot?

  • Mayroon itong Vitamin K na nakatutulong upang labanan ang pagdurugo.
  • Vitamin A at Beta-Carotene para sa mata, balat o skin growth, pagre-repair o pagsasa-ayos ng selula sa ating katawan tulad ng pag-galing ng sugat.
  • Vitamin B6 o Pyridoxine para makaiwas sa sakit sa mata dahil sa pag-edad
  • Vitamin C o Ascorbic Acid para sa ating immune system at balat
  • Calcium na kailangan para mapatibay ang buto, ipin at gilagid.
  • Vitamin E para lumakas ang immunity, magkaroon ng malusog na buhok at mata.
  • At Iron ay kailangan para sa malusog na red blood cells.

Iluto lamang ang saluyot bilang sahog sa dinengdeng, inabraw, paksiw, ginisang labong, sa sopas at bulanglang. —sa panulat ni Abby Malanday

March 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
balimbing

Alam niyo ba na ang Balimbing o Star Fruit ay may dulot na maraming benepisyo sa katawan?

Ang Balimbing ay isang karaniwang halaman na may mala-bituing hugis na bunga at may kakaibang lasa.

Ito ay maraming sustansya at kemikal tulad ng iron, Vitamin B, Vitamin C at mayaman din ito sa Oxalate at Potassium.

Nakatutulong din sa pagpapababa ng lagnat ang pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng Balimbing gayundin sa pagpapatigil ng tuloy-tuloy na pagsusuka.—sa

February 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
mata

Para sa mga babad ang mata sa computer sa gitna ng trabaho o requirements sa paaralan.

Ano nga ba ang mga tips para maging malinaw ang mata;

  1. Kumain ng maraming gulay at prutas lalo na ang mga berdeng talbos ng gulay.
  1. Kumain ng isda na mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tamban, tawilis, dilis, hito, hipon, salmon, alumahan, tuna, tambakol, tanigi, tulingan at salinyasi.
  1. Mag-suot ng sunglasses para masala ang ultraviolet A at B rays.
  1. Sa pagtatrabaho magsuot ng eye protection glasses.
  1. Huwag manigarilyo.
  1. Ipagamot ang mga sakit tulad ng high blood, diabetes at alamin ang sakit sa pamilya.
  1. Magpa-check-up ng mata. Kung edad kwarenta pataas, kailangan kada 2 hanggang 4 na taon, habang 1 hanggang 2 kada taon sa edad animnapu pataas.  —sa panulat ni Abby Malanday
February 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SLEEP

Ang pagtulog sa tanghali at pag-idlip ay may magandang benepisyo sa katawan.

Ayon sa isang eksperto, nakababawas ito sa stress, pampaganda ng memory, gaganda ang performance sa trabaho, magkakaroon ng enerhiya at sisigla ang mood.

Ang unang 10 hanggang 20 minutong pagtulog ay tamang-tama para ma-refresh.

Sakali namang umabot sa 30 hanggang 60 minutes ang pag-idlip sa tanghali ay posibleng maalimpungatan at maapektuhan ang pagkilos dahil sa pakiramdam na bagong gising.

Dagdag pa ng eksperto, posibleng magkaroon ng insomia ang isang tao kapag umiidlip o natulog ng mas mahabang oras sa tanghali.

February 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HIKING

Kung wala ka pang naiisip na anumang pagkakaabalahan, huwag nang mag-alala dahil merong hobby na mura, maka-kalikasan at mabuti para sa ating kalusugan.

Ayon sa pag-aaral, ang hiking ay isang uri ng powerful work-out.

Maliban sa magandang tanawin at malinis na hangin, nakatutulong din ang hiking para mabawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng heart disease.

Pinapaganda rin nito ang ating blood pressure at blood sugar levels.

Pinapatibay rin nito ang mga buto at nagpapalakas ng glutes, quadriceps, hamstrings, at muscles sa hips at lower legs.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles

February 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MAISAN-CORN

Ang mais o corn ay ikalawa sa mga pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ito ay sagana sa bitamina at mineral na nakatutulong upang mapababa ang kolesterol at para magkaroon ng maayos na paningin at kutis.

Taglay rin ng mais ang dietary fiber para sa maayos na pagdumi.

Napag-alaman din na nakatutulong ang pagkain ng mais para maiwasan ang pagkakaroon ng anemia dahil sa taglay nitong iron na kailangan sa pagbuo ng red blood cells.

Ang iron deficiency ay isa sa mga tinitingnang dahilan sa pagkakaroon ng anemia.–-sa panulat ni Airiam Sancho

February 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Older Posts