Home HEALTH

HEALTH

VITAMIN D

Humihina ba ang iyong buto o palagiang nawawalan ng balanse kada tumatayo mula sa pagkahiga o pagka-upo, madalas magkatrangkaso, at nakararanas ng hair loss o muscle pain?

Kung may sintomas na gaya nang nabanggit, maaaring kulang ang iyong katawan sa Vitamin D.

Ayon sa pag-aaral,  ang pagkakaroon ng mababang antas ng Vitamin D sa katawan ay naiuugnay sa mataas na panganib ng impeksiyon, partikular ang sakit tulad ng Arthritis, Type 1 Diabetes at paghina ng Immune System.

Kaya upang maiwasan ang Vitamin D deficiency, narito ang home remedies para sa iyo;

  1. Uminom ng Vitamin D supplement,
  2. Magpa-araw sa loob ng 10 minuto o 30 minuto simula alas- 7 ng hanggang alas-9 ng umaga.
  3. Kumain ng itlog isang beses sa isang araw at
  4. Kumain ng fatty fish gaya ng bangus, salmon, tuna at mackerel.

Ayon sa eksperto, ang pagbababad sa ilalim ng araw tuwing umaga ang pinakamabisang paraan upang mapanatiling healthy ang katawan, ngunit babala ng mga ito, iwasang magpa-araw simula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon upang makaiwas naman sa Skin Cancer. —sa panulat ni Joana Luna

July 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MUSCLE CRAMPS

Paano maiiwasan ang muscle cramps.

Ang cramps ay ang biglaang paninigas ng muscle sa bahagi ng katawan.

Ito ay kadalasang dahil sa pagkapagod ng muscle, dehydration at muscle strain.

Kadalasang nakakaranas ng muscle cramps ang mga may edad na, buntis at diabetic.

Narito ang first aid para sa nakakaranas ng muscle cramps.

1. Dahan-dahang I-stretch at masahihin ang bahagi ng muscle na naninigas.

2. Hilahin ang paa

3. Mag-hot at cold compress para mabawasan ang muscle cramps.

Para naman maiwasan ang muscle cramps

1. Panatilihing hydrated- uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig kada araw at;

2. Magstretching bago matulog, dahil madalas na umaatake ito sa gabi.

July 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BARLEY

Maraming iba’t ibang klase ng food supplements na layuning magpalakas sa resistensya ng katawan ng isang tao upang malabanan ang mga sakit at isa na nga rito ang dahon ng barley.

Ang Barley ay isang uri ng grain na itinuturing na pang-apat na pinakamahalagang cereal crop sa buong mundo kung saan makukuha ang damo o dahon ng barley na siyang ginagawang food supplements.

Kung saan ginagawa itong  powder, juice, tablets, at gummies.

Ayon sa pag-aaral makatutulong ang Barley upang maiwasan ang mga sakit gaya ng:

  • Cancer
  • Goiter
  • Asthma
  • Arthritis
  • Diabetes
  • High Cholesterol
  • Alzheimer’s
  • Bronchial problem, Prostate, Liver, Kidney, Heart at Ovarian problem gayondin ang mga bukol, irregular menstruation at iba pa.
June 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANTOK

Para sa mga nagtataka kung bakit laging inaantok sa umaga kahit nakatulog naman kagabi? narito na ang payo sa inyo.

Ang Hypersomnia ay kondisyon kung saan nakakaranas ng labis na pagkaantok ang isang tao sa umaga kahit na natulog sa gabi.

Pwede itong primary condition o pwedeng dahil din sa ibang sakit tulad ng sleep apnea, parkinson’s disease, kidney failure o chronic fatigue syndrome.

Ang sintomas ng Hypersomnia ay mababang energy, iritable, kinakabahan, walang gana kumain, mabagal mag-isip o magsalita, hirap makaalala, laging pagod at walang pahinga.

Iba-iba ang gamutan ng Hypersomnia depende sa sanhi nito kung saan may mga gamot na stimulant na binibigay ang mga doktor sa ilang mga tao.

Mahalaga ang lifestyle change maging ang regular na pagtulog at iwasan ang heavy meal sa gabi.

Iwasan din ang labis na kape, sigarilyo at alak. kung may problema sa pagtulog, kumonsulta sa inyong mga doktor.

June 26, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
MASAKIT TIYAN

Para sa mga madalas umutot o laging may hangin sa tiyan.

Ang utot ay nabubuo kapag ang iyong digestive system ay hindi pa lubusang natutunaw ang pagkain.

Ang iba pang pinagmumulan ng utot ay ang pagbabago ng intestinal bacteria dahil sa gamot, ang paglunok ng hangin at constipation o pag-titibi.

Kaya narito na ang tips para mabawasan ang sobrang hangin sa tiyan:

  1. Bawasan ang mga pagkaing nagpapa-utot sa iyo. Tigil ang softdrinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
  1. Pansamantala munang itigil ang pagkain ng mataas sa high fiber. Ibalik na lang pakonti-konti paglipas ng ilang linggo.
  1. Umiwas sa mamantikang pagkain.
  1. Kumain ng mabagal. Ang pagkain ng mabilis ay nakasasama sa pagtunaw o digestion natin.
  1. Ang pag e-ehersisyo ay maganda sa tiyan. Maglakad-lakad sandali para bumaba ang kinain mo.
June 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PANSIT PANSITAN

Tuwing may handaan, hindi nawawala sa putahe ang pansit na sinasabing pampahaba raw ng buhay.
pero iba ang pansit na maraming benepisyo sa kalusugan ang tatalakayin natin ngayon, na tiyak na makatutulong para sa mas mahabang buhay, ito
ay ang halamang gamot na pansit-pansitan.

Kadalasang makikita ang halamang gamot na pansit-pansitan kasama ang mga ibang klase ng damo,madalas ay napagkakamalaman lamang itong simpleng damo ng karamihan. ngunit maaari rin itong palakihin bilang ornamental.

Ang pansit-pansitan ay may makintab na hugis pusong mga dahon na may sukat na nasa humigit-kumulang apat na sentimetro ang haba, na lumalaki mula sa isang tuwid na translucent na berdeng tangkay.

Meron itong maliliit na parang tuldok na bulaklak na tumutubo mula sa tuwid at payat na berdeng mga spike .

Ngunit alam niyo ba isa ito sa mga halamang gamot na inrerekomenda ng department of health. Dahil ito mabisang gamot sa gout at athritis gayondin bilang gamot sa pamamaga ng mata, altapresyon at mga problema sa bato.Habang karaniwan din itong isinasahog sa isang salad.

June 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
kuliti

Maraming kasabihan na ang mga taong nagkakakuliti sa mata ay iyong mga naninilip, pero hindi po ito totoo.

Ang kuliti o sty sa english ay isang masakit at mapulang impeksyon sa talukap ng mata na maihahalintulad sa isang tigyawat o pigsa.

Ang mga sanhi ng kuliti ay:

  1. Ang pagpasok ng mikrobyo sa mata sa pamamagitan ng natanggal na pilik-mata,
  2. Ang paggamit ng luma o expired na make-up,
  3. Ang hindi pag-alis ng eye make-up sa gabi, at
  4. Ang paghawak sa mata ng maruruming kamay.

Para mapagaling, gawin ang sumusunod;

  1. Lagyan ng hot compress ang kuliti.
  2. Para sa kuliti o pigsa, may tulong ang hot compress sa pagpapahinog ng kuliti. Mas lalambot ang kuliti at bibilis ang pagputok nito.
  3. Puwedeng patakan ng antibiotic eye drops ang mata.

Para naman makaiwas, sundin ang mga payong ito.

  1. Huwag gaano mag-make-up sa mata o gumamit ng eyelash curlers.
  2. Kung ikaw ay may contact lens, huwag muna itong gamitin.
  3. Itapon ang mga lumang make-up. Huwag ipagamit ang make-up sa iba at baka kayo magkahawahan.
  4. Maghugas palagi ng kamay at gumamit ng sabon. Tandaan, sa iyong kamay din nanggaling ang impeksyon ng iyong kuliti.
June 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ASTHMAA

Ang pamamaga ng mga daanan ng hangin sa baga ang pinakapangunahing dahilan ng sintomas ng hika.

Narito ang listahan ng mga pagkain na panlaban sa pamamaga ng daanan ng hangin sa baga.

  1. Sibuyas- ang sibuyas ay may taglay na anti-oxidant na quercetin na makatutulong upang malabanan ang pamamaga at maiwasan ang pag-atake ng hika.
  2. Kape- ang isa o dalawang tasa ng matapang na kape ay may sangkap na nakakatulong upang mapaluwag ang daanan ng paghinga.
  3. Green tea- katulad ng mansanas at sibuyas, ang green tea ay naglalaman din ng anti-oxidant na quercitin. Subukang uminom nito isa o dalawang beses kasa araw para maiwasan ang pag-atake ng hika.
  4. Ang matatabang isda tulad ng tawilis, tamban, tuna, hasa-hasa, sardinas, dilis, salmon at mackerel ay may Omega-3 fatty acids na panlaban sa pamamaga ng mga parte sa katawan at,
  5. Mga pagkaing mayaman sa anti-oxidant tulad ng Vitamin C at Vitamin E gaya ng red bell pepper, dalandan o calamansi juice, repolyo at kamatis ay mainam para sa buong katawan.
June 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PATATAS

Alam niyo ba na maraming benepisyong pangkalusugan ang patatas?

Taglay ng patatas ang iba’t ibang bitamina at mineral na nakakatulong mapalakas ang katawan.

Ang Patatas o Potato  ay maraming Antioxidant na maaaring mabawasan ang panganib sa mga malalang sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes at ilang uri ng kanser.

Nakakatulong din ang patatas makontrol ang blood sugar sa katawan.

Ang pagkain ng Patatas ay nakakatulong din upang malabanan ang stroke.

Bukod dito,  pwede ring isama sa diet foods ang patatas na nakatutulong makadagdag enerhiya sa katawan.

Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyo ang patatas sa ating katawan ngunit mainam na kumonsulta sa mga eksperto upang mas mapangalagaan ang  katawan.

June 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MUSHROOM

Mahilig ba kayong kumain ng mushroom o kabute na sahog sa mga ulam o di kaya’y isa sa sahog sa palaman sa burger?

Alam niyo ba na ang kabute ay kinikilala bilang mahalagang bahagi diet?

Ito’y mayaman sa bitamina, mineral, at antioxidant na nagpapalakas sa kalusugan, isa rin itong magandang source ng vitamin d na mahalaga para sa ating buto at immune system.

Mayaman din ito sa potassium at nakakapagpababa ng blood pressure.

Ayon pa sa pag-aaral ang pagkain din ng kabute ay nakapagpapababa ng posibilidad na magkaroon ng malubhang kondisyon sa kalusugan, tulad ng alzheimer, sakit sa puso, kanser, at diabetes.

Pero teka paalala lamang hindi lahat ng uri ng kabute ay maaaring kainin.

June 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest