Home HEALTH

HEALTH

license 2 health centers in taguig

Natanggap na ng Taguig City Government sa pamamagitan ng City Health Office nito ang lisensya para sa dalawang health centers nito.

Epektibo kahapon, July 25 ang operasyon ng Calzada Health Center at Hagonoy Health Center bilang PCF o Primary Care Facilities na hindi lamang sa Taguig kauna-unahan kundi maging sa buong Metro Manila.

Binigyang-diin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na isa sa plano ng kaniyang administrasyon ay patuloy na mapalawig ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod.

Layon ng PCF na makapagbigay sa komunidad nito ng initial contact, accesible, continuos, comprehensive at coordinated primary care services.

Batay sa lisensya, tatagal hanggang December 31, 2024 ang operasyon ng mga nabanggit na health centers sa Taguig City.294334417_412503774184131_9151540434749486404_n 294389962_358253466477866_6412729183467482919_n

July 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TIYAN

Para sa mga may malaking tiyan, alam niyo ba na may masama itong dulot sa ating kalusugan?

Ang taba sa tiyan ay kadalasang makikita sa mga laman loob.

Ito ang tinatawag na visceral fat na nagdudulot ng mga seryosong panganib sa ating kalusugan.

Maaari itong magdulot ng; sakit sa puso, type 2 diabetes, high blood pressure, mataas na cholesterol at hirap sa paghinga.

Para matulungang lumiit ang tiyan at maging healthy, kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas, gulay at whole grains.

Bawasan ang pag-inom ng mga matatamis na inumin.

Bawasan ang pagkain ng matataba, maaalat at mamantikang pagkain

At magkaroon ng regular na ehersisyo upang makatulong sa pagtunaw ng taba sa tiyan.

July 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PIMPLES

Para sa mga mahilig magtiris ng tigyawat, alam niyo ba na maaari itong magdulot ng impeksyon sa utak?

Ayon kay Doktor Tantengco, isang masamang paguugali ang pagtiris ng mga pimples lalo na kung mayroon na itong mga nana.

Dapat itong iwasan lalo na kung marumi ang iyong mga kamay kapag hinawakan.

Hindi lang mag-iiwan ng peklat ang mga pinipisang mga pimples, maaari rin itong pagmulan ng impeksyon na maaaring kumalat sa iyong dugo papunta sa utak.

Kapag hindi ito naagapan, maaaring makaranas ng pamamanhid ng katawan, pagkawala ng paningin at pagkamatay.

Kadalasang makararanas ng sobrang sakit ng ulo, mataas na lagnat, pamamanhid ng mukha at labis na pagkapagod ang pagtiris sa tigyawat.

Kapag nakaranas na ng mga ito matapos putukin ang pimples lalo na sa bandang ilong at itaas na labi, kumonsulta agad sa doktor.

July 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MAIS BIGAS

Alam niyo ba na maraming taglay na benepisyo ang mais sa kalusugan ng tao?

Ang mais o corn ay puno ng bitamina at mineral na nakakatulong sa ating katawan.

Nagtataglay ang mais ng mga bitamina B12 at follic acid para mapigilan ang pagkakaroon ng anemia.

Pinipigilan rin ng mais ang pagkakaroon ng diabetes at alta-presyon.

Nakakatulong rin ang pagkain ng mais upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalang sakit tulad ng sakit sa puso at iba’t ibang uri ng kanser

Bukod dito, mayroon beta carotene ang mais na nagpapalinaw sa ating paningin.

Ayon sa mga eksperto, ang mais ay maraming taglay na nutrisyon sa kalusugan ng tao ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit mas mainam kumonsulta sa mga eksperto.

July 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
patola

Walang budget pang skin care? may paraan tayo dyan!

Alam niyo bang ang Patola ay hindi lamang pang kusina?

Ang mature na bunga ng Patola ay pwedeng ibilad at patuyuin upang ang structure nito ay magmukhang “Sponge.”

Kinikiskis ang buong patola sponge sa balat upang alisin ang mga dead skin at pasiglahin ang balat.

Nilalagay rin ang pulbos ng patola sa skin care products dahil nakakapag-detoxify ito ng balat.

Mas kilala ang patola bilang sponge gourd na tumutubo at nabubuhay lamang sa tropikal na klima katulad ng sa Asya.

July 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALOE VERA

Alam niyo ba na kilala bilang isa sa “powerful wonders” ang Aloe Vera.

Ang Aloe Vera ay nakatutulong bilang isang moisturizer, skin soother, kung saan nilalabanan nito ang pagkakaroon ng acne.

Maliban dito, nagpapabagal din ito sa pagkunot at nagpapabuti rin ito ng balat ng katawan.

Ayon sa pag-aaral ang gooey substance ng Aloe Vera ay mayroong 99% na tubig, may vitamins, antioxidants, minerals at amino acids.

Nakakalunas din ito laban sa panunuyo, pagbabalat ng balat at pangangati.

July 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAPE

Para sa mga mahilig sa kape upang manatiling gising at puyat para sa trabaho o ilang mahalagang bagay.

Ayon sa pag-aaral, bagaman may magandang dulot ang kape, may masama pa rin itong epekto kung masosobrahan.

Ito ay ang mga sumusunod;

  1. Una; Anxiety, Palpitation at Anger Outburst. Mabilis nerbyosin, kabahan, iritable at nagiging magagalitin.
  1. Pangalawa; Pagkaantok sa umaga matapos uminom ng maraming kape sa gabi.
  1. Pangatlo, madalas na pag-ihi o pagka- dehydrate. Ang kape ay Diuretic o pampaihi kaya siguraduhing kapag uminom ng kape ay uminom rin ng tubig upang hindi ma-dehydrate.
  1. Pang-apat; maaaring magtae o mas dumalas ang pagtae. ang kape kasi ay laxative sa halos 30% ng mga tao.
  1. at Pang-huli, ang pag-inom ng kape ay nakakasira sa dami at kalidad ng tulog dahil maaari nitong sirain ang iyong biological clock.
July 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
WGSN ONLINE SHOP

Lumalabas sa pag-aaral ng Global Trend Forecasting Company na WGSN na ang nararanasang health crisis ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang mas binibigyang pansin na ngayon ang kanilang mga sarili.

Ayon sa WGSN, isa ito sa mga dahilan kayat mabilis ang paglago ng Internet economy sa  Asia-Pacific Region sa taong 2022.

Malaki ang naging kontribusyon ng E-commerce platforms at ng mga food delivery apps sa pag-unlad ng growing online market ng bansa.

Pahayag ng WGSN, na dahil sa mga naranasang matagalang lockdowns, maraming Pilipino ang naging “Joy Seekers,” na ang karamihan ay natagpuan ito sa mga online delivery apps.

July 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OLIVE OIL

Alam niyo ba na may nutrisyong benepisyo rin ang olive oil sa ating kalusugan?

Nadiskubre ng mga eksperto na maraming benepisyong pangkalusugan na makukuha sa pagkonsumo ng olive oil.

Ayon sa mga pag-aaral, ang olive oil ay mainam na source ng Vitamin E, Polyphenols, at Mono-Unsaturated Fatty Acids.

Sinasabing nakatutulong ito upang mabawasan ang panganib o risk ng pagkakaroon ng heart disease.

Nakatutulong rin ang olive oil sa pagpapalago ng buhok kung saan karaniwang problema ng mga kababaihan maging ng kalalakihan.

Maaari rin itong pamalit o alternatibo sa butter o margarine sa mga niluluto nating pasta o rice dishes.

Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyo ang olive oil, ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.

July 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BAWANG

Alam niyo ba na maraming benepisyong taglay ang bawang?

Ang bawang o garlic sa ingles ay may sangkap na bitamina at mineral tulad ng potassium, calcium, iron, magnesium, manganese, zinc, selenium at vitamin C.

Ayon sa mga eksperto ang bawang ay

  • Nakakapagpalakas ng immune system,
  • Panlaban sa lagnat at trangkaso
  • Pampababa ng blood pressure at cholesterol
  • Pampatibay ng buto at kasu-kasuan at
  • Mabisang panlaban sa impeksyon at iba pa.
July 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest