Home HEALTH

HEALTH

vegetables - gulay

Hindi maitatanggi na napaka-importante ng pagkain sa buhay ng tao at sa ating kalusugan.

 Pero malaking bagay ang wastong pagkain at hindi nga raw importanteng kumain tayo ng mamahaling pagkain, lalo na iyong mga imported dahil ng mahalaga ay mga pagkaing nagtataglay ng tamang nutrients.

 Kasama sa mga pagkain ito ang green leafy vegetables o mabeberdeng gulay, sariwang prutas at pag-inom ng gatas at tubig.

 Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng wasto ay ang ating pundasyon para sa malusog na pangangatawan.

 Siyempre, bukod sa mga mabeberdeng gulay at prutas, mahalaga ring sabayan ito ng ehersisyo para maiwasan ang iba’t-ibang uri ng sakit.

September 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAPAPAPAYAT

Maraming tao ang nagtataka, bakit may mga taong payat pero malakas kumain? at may taong mataba pero kaunti lang kumain?

Ayon sa mga doktor, isang factor sa pagiging payat o mataba ang metabolism.

Kapag edad 30 pababa, mabilis pa ang iyong metabolism at hindi ka gaano tataba. pero kapag lampas edad 40, mabilis nang tumaba at lumaki ang bilbil.

Ang regular na ehersisyo ay nagpapapayat din. Kapag hindi ka nag-papawis sa exercise at lagi lang nakaupo, ay mas mabilis kang tumaba.

May epekto din ang lahi sa ating timbang. Namamana natin mula sa ating magulang ang hugis ng ating katawan at mukha.

At panghuli, may mga sakit na nakaka-apekto sa ating timbang. Halimbawa, ang mga taong may hyperthyroid ay mas pumapayat. Ang mga taong naoperahan sa gallbladder ay mas tumaba. Kapag naman na-stress ang isang indibidwal, puwede itong tumaba o pumayat.

 

September 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Pasintabi sa mga kumakain diyan pero, hirap ba kayong makadumi?

Maraming dahilan kung bakit hirap dumumi ang isang tao.

Maaaring nag-iba ang diet na dahil sa constipated na tiyan, kakulangan sa ehersisyo, sobrang stress, kulang sa tubig na iniinom, at thyroid problems.

Hirap din sa pagdumi ang mga taong may Irritable Bowel Syndrome (IBS) na nakakapagdulot ng pananakit sa tiyan, diarrhea at constipation.

Upang mapadali ang pagdumi, inirerekomenda ng mga doktor ang pag-inom ng sampu hanggang 12 baso ng tubig kada araw.

Mahalaga ding bahagi ang pagiging well-hydrated para mapalambot ang pagdumi ng isang tao at maiwasan ang constipation.

Ang pagkain ng gulay o ng green leafy vegetables tulad ng kangkong, ampalaya, talbos, ay isa rin sa mga natural na solusyon upang mas mapabilis ang pagbabawas ng isang tao dahil sa taglay nitong fiber—sa panulat ni Hannah Oledan

September 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na may nutriyong benepisyo rin ang olive oil sa ating kalusugan?

Nadiskubre ng mga eksperto na maraming benepisyong pangkalusugan na makukuha sa pagkonsumo ng olive oil.

Ayon sa mga pag-aaral, ang olive oil ay mainam na source ng vitamin e, polyphenols, at mono-unsaturated fatty acids.

Sinasabing nakatutulong ito upang mabawasan ang panganib o risk ng pagkakaroon ng heart disease.

Nakatutulong rin ang olive oil sa pagpapalago ng buhok kung saan karaniwang problema ng mga kababaihan maging ng kalalakihan.

Maaari rin itong pamalit o alternatibo sa butter o margarine sa mga niluluto nating pasta o rice dishes.

Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyo ang olive oil ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.

September 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

ALAM n’yo ba na ang paboritong seaweed ng mga Ilokano ay maaaring makatulong daw sa paglaban sa cancer?

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), napatunayang maganda sa kalusugan ang pagkain ng “pukpuklo” sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa University of Santo Tomas.

Lumalabas daw sa pag-aaral na nilalabanan ng “pukpuklo” ang enzymes na nagpapakalat ng cancer sa katawan.

Maliban dito, mayaman din daw ito sa carbohydrates o starch at cellulose na nakakatulong sa katawan para lumakas at masuportahan ang cells at tissues.

 Nakakatulong din ito sa sakit sa balat, goiter, at isa ring mabisang anti-aging.

 Ang “pukpuklo” ay kadalasang ginagawang salad kasama ang kamatis.

 Sinasabing patok din itong pulutan ng mga taga-Ilocos, Aklan, Iloilo at Cagayan.

 

September 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Naranasan niyo na bang sinukin at masabihang ikaw kasi ay nagsisinungaling o di kaya’y kulang sa tubig na inumin?

Kung narinig mo na ang ganyang dahilan ng iilan, may pagtatama diyan ang mga eksperto.

Ayon kay Doctor Willie Ong madalas sinisinok ang tao  dahil  sa hindi natutunawan o posibleng dahil sa napabilis ang pagkain at pag-lunok o di kaya’y dahil sa pagkabusog sa pagkain, tubig at hangin.

Maaari rin aniyang dahil ito sa stress kung saan hinga nang hinga ang isang tao  dahilan para makalunok ito ng maraming hangin.

 paliwanag ni Ong hindi rin totoo na dapat gulatin ang isang sinisinok para mawala ang pagsinok pati na rin ang paglalagay ng sinulid sa noo ng sanggol o di kaya’y pagpapahid ng laway

Ang dapat aniyang gawin para maiwasan ang pagkasinok ay ang mga sumusunod

  1. Uminom ng mainit na tubig para marelax ang muscle sa tyan
  2. Magdahan-dahan sa pagkain at kumain ng madadaling matunaw

Ayon kay Ong wala namang dapat ipag-alala sakaling sinukin  dahil mawawala rin ang sinok makalipas ang labing lima hanggang tatlumpung minuto.

August 21, 2022 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
MANI PEANUT

Alam niyo ba na may magandang dulot sa ating katawan ang pagkain ng mani?

Ayon kay Dr. Liza Ramoso-Ong, may benepisyo ang pagkain ng mani lalo na sa utak, puso, at katawan.

Maganda ito sa mga gustong magdagdag ng timbang dahil ang 100 gramo ng mani ay katumbas ng 560 calories.

Nakakatulong din ito sa pag-aaral at pagsasaulo pati na rin sa pagpapanatili ng malusog na puso dahil sa taglay nitong Vitamin B na nagpapaganda sa sirkulasyon ng dugo sa utak at puso.

Maaari rin itong kainin ng may mga diabetes dahil pasok ito sa Diabetese Glycemic Index.  —sa panulat ni Hannah Oledan

August 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PROTEIN EGG

Pinayuhan ng isang sikat na doktor ang masa na limitahan ang pagkain ng karne katulad ng baboy at baka lalo na sa may mga sakit sa atay.

Sa kaniyang Facebook post, tinalakay ni Doctor Willie Ong, isang Filipino cardiologist, Internist at Media personality, ang ilan sa mga paraan upang maalagaan ang atay.

Aniya, maaaring limitahan ang pagkain ng maalat na pagkain tulad ng instant noodles, asin, toyo, patis, sitsirya at mga de lata na maaaring maging sanhi ng pagtaas ng presyon.

Dagdag pa nito, ang sobrang pagkain ng maprotinang pagkain ay maaari ring maging sanhi ng pagkasira ng kidney

Batay sa kanyang post, hindi pinapayo ng mga doktor ang Atkin’s Diet na nagrerequire ng mataas na protina sa diyeta na maaaring maging sanhi sa permanenteng pagkasira ng atay.  —sa panulat ni Hannah Oledan

July 31, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BACK PAIN

Hindi maitatanggi na ang back pain ay isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit nakaliliban sa trabaho ang karamihan ng mga manggagawa o empleyado.

Kapag may back pain, maaari ring makaranas ng dagdag na pananakit sa gulugod, kalamnan, o nerves ng likod.

Ngunit ayon sa ilang pag-aaral, ang stress at depresyon ay posible ring maging sanhi ng back pain.

Kapag stressed at malungkot daw kasi ang isang tao, nababawasan ang produksyon ng ilang hormones at kemikal sa utak na nakatutulong upang mabawasan ang anumang sakit na nararamdaman sa katawan.

Kaya naman kapag lumiit ang produksyon ng mga kemikal na ito, lalong makararamdam ng pananakit ng likod o sa ibang parte ng katawan.

July 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LEPTO

Dahil tag-ulan na naman, dapat ay mag-ingat tayo sa sakit na Leptospirosis.

Ito ay isang bacterial infection na nakukuha mula sa ihi ng mga hayop na apektado ng leptospirosis.

Ang ihi na may dalang leptospirosis ay maaaring mabuhay at tumagal sa lupa at tubig ng ilang linggo hanggang ilang buwan.

Maraming hayop ang may dala ng bacteria na leptospira tulad ng baka, baboy, kabayo, aso, daga at iba pang wild animals.

mga sintomas ng leptospirosis:

  1. mataas na lagnat
  2. sakit ng ulo
  3. nilalamig at nanginginig
  4. pananakit ng muscles
  5. pagsusuka
  6. jaundice o paninilaw ng balat at mata
  7. mapulang mata
  8. pananakit ng tiyan
  9. diarrhea
  10. rashes

Para maiwasan ang leptospirosis, iwasang maligo at magtampisaw sa tubig baha, gumamit ng proteksyon tulad ng bota at gloves kapag hahawak o lulusong sa tubig baha, tanggalin ang mga posibleng tubig na kontaminado ng ihi na may leptospira at siguruhing walang daga sa inyong bahay at kapaligiran.

Kung nakakaranas ng mga sintomas na nabanggit sa loob ng dalawang araw at ikaw ay lumusong sa tubig-baha, kumonsulta agad sa doktor.

July 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest