Home HEALTH

HEALTH

cats

Gusto niyo ba yung low-key lang pero siksik-liglig sa sustansya at madaling hanapin?

Ang Water Spinach o kangkong ay karaniwang sahog sa mga lutong bahay katulad ng sinigang at ginisang kangkong.

Ang nutrisyong makukuha mula rito ay halos kalebel ng makukuha sa gatas, saging, at orange.

Nakakapagpababa rin ito ng blood pressure at nagbibigay immunity laban sa cancer.

Napapabuti rin nito ang ating paningin at nagpapalakas ng ating immunity.

At dahil mayaman sa fiber ang kangkong, napipigilan nito ang pagkakaroon ng constipation at nakakatulong pa sa pagbabawas. - sa panunulat ni Hannah Oledan 

October 8, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
SPEED WALK

Alam niyo ba ang benepisyong hatid ng mabilis na paglalakad?

Ang brisk walking o tinatawag ding power walking ay ang paglalakad nang may maximum speed na 4.5 meters per hour sa loob ng 30 minuto kada araw.

Pinapababa rin nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng heart diseases dahil pinabibiis nito ang tibok ng puso sa magandang paraan.

Nakakatulong ito sa pagpapanatili ng healthy weight ng isang indibidwal.

Mainam rin ito sa pagpapalakas ng buto at muscle endurance.

Pinapataas din nito ang activity levels ng isang tao at nakakatulong sa pagpapaganda ng mood.

Maliban dito, maliit din ang posibilidad na makakuha ng anumang injury o sakit sa katawan sa pamamagitan ng brisk walking kumpara sa ibang uri ng pag-e-ehersisyo.—sa panulat ni Hannah Oledan

October 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SAGING

Alamin natin ang magagandang bagay na naidudulot ng saging sa ating pangangatawan.

Alam niyo ba na ang saging ay kilalang good source ng fiber antioxidants.

Siksik ito ng vitamins at minerals na kailangan ng katawan at nagtataglay ng 105 calories.

Tumutulong din itong magmoderate ng blood sugar level at ma-improve ang ating digestive health.

Pinangangalagaan rin ng saging ang ating puso at binabawasan nito ang ganang kumain ng isang tao dahil sa resistant starch na nagbibigay ng kabusugan sa katawan. —sa panulat ni Jenn Patrolla

 

October 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAPE BARAKO

Madaming benepisyo na makukuha sa pag-inom ng kape.

Ang kape ay gawa sa inihaw na buto at ito ay natural na stilmulant na mayaman sa nutrients, vitamins, minerals, active substances at antioxidant.

Ayon sa eksperto, ang benepisyo ng kape ay pinapababa nito ang mataas na timbang dahil pinapataas ng kape ang level hormones na iyong katawan para pababain ang timbang.

Ang paginom ng apat na tasa ng kape bawat araw ay maaring mabawasan ang taba ng katawan ng 4% at nagiging sanhi ito ng metabolism na tumutulong sa pagsunog ng mas maraming calories.

Sumunod naman dito, binabawasan ang sakit ng ulo dahil ang caffeine ay natural na lunas ng pananakit ng ulo at migraine.

Nakakatulong din ito para maiwasan ang stroke at pag-palya ng puso.

Pinalalakas din ang immune system dahil ang kape ay mayaman sa antioxidant at phenolic compound na mahalagang proteksyon laban sa kanser. — sa panulat ni Jenn Patrolla 

September 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na hindi lang pampa ganda ng boses ang luya o salabat?

Epektibo rin ito bilang panlaban sa sakit tulad ng dry cough at sore throat.

Napapalakas din nito ang imunidad ng isang tao dahil naglalaman ang luya ng volatile oils na mayroong anti-inflammatory properties na mabisang pangontra sa sakit ng ulo, trangkaso, at kahit sa menstrual pain.

Napapahupa rin nito ang mga karaniwang sipon at nakakatulong para maibsan ang respiratory problems na may kinalaman sa environmental allergies.

Napapabuti rin nito ang pagdaloy ng dugo sa tulong ng taglay nitong Magnesium, Vitamin C, at iba pang minerals at Amino Acids na kalaunan ay sanhi rin ng pagbaba ng tiyansang magkaroon ng cardiovasculr problems.

Ang pag inom ng salabat ay mayroon ding calming at healing properties na nakatutulong upang pagaanin ang nararamdaman at maibsan ang stress ng isang tao.

Sa simpleng kombinasyon ng luya, mainit na tubig, honey o asukal, at calamansi, marami ka nang makukuhang benepisyo na epektong panlaban sa banta ng COVID-19. - sa panunulat ni Hannah Oledan

September 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GATAS MILK

Alam niyo ba na ang gatas ay naglalaman ng mga bitamina na kailangan natin?

Ang gatas ay “superfood” na naglalaman ng mga mahahalagang bitamina at mineral na kailangan ng katawan.

Ito ay may taglay na vitamin B12 na kailangan ng ating utak, 113 mg calcium na pampalakas ng buto, riboflavin para mapanatiling malakas ang katawan, at phosporus na makatutulong sa  mga nasirang selula.

Ang gatas ay mayaman din sa protina na tumutulong gumawa ng enzymes sa katawan.

Bukod diyan, mayroon ding potassium at magnesium ang gatas na nagpapakalma sa ating isip.

Para naman sa mga sobrang mag-pawis, ang calcium ang tutulong sa pagbawas ng pagpapawis.

Kaya’t payo ng doktor na uminom ng isang basong gatas araw-araw.

September 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VCO VIRGIN COCONUT OIL

Maraming natural health benefits na taglay ang Virgin Coconut Oil (VCO).

Pero maliban sa health benefits, alam niyo ba na maaari rin itong isama sa iyong beauty regimen?

Ang VCO ay isang natural moisturizer kaya’t ang paglalagay nito sa skin ay nakatutulong sa pag-repair ng skin damage at skin collagen reproduction.

Mayroon din itong anti-inflammatory effect na mainam sa skin irritation at paghilom ng sugat.

Maliban dito, maaari ring makatulong ang VCO upang makontrol ang hair fall at puwede rin itong gamitin bilang natural alternative sa makeup removers.

September 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo na ba na may magandang benepisyo sa ating katawan ang pagkain ng pakwan?

Ayon kay Doctor Willie Ong, makatutulong ang pakwan para lunasan ang sakit sa puso, alta-presyon, kanser, katarata sa mata, ulcer, singaw, mabahong hininga at pananakit ng tiyan.

Makabubuti din ang pagkain ng pakwan sa ating kidney at pantog dahil nililinis ito ng prutas.

Sagana rin sa Vitamin B ang pakwan tulad ng potassium at iron at may natural na asukal para mapasigla ang katawan.  - sa panunulat ni Jenn Patrolla

 

September 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PERIOD POVERTY

Lumalabas sa ulat ng Journal of Global Health sa Estados Unidos na aabot sa halos 17M na mga kababaihan na nakararanas ng menstruation o buwanang dalaw ang mahihirap at two-thirds sa mga ito ang walang kakayahang  bumili ng mga menstrual products.

Ayon sa JOGH, ito ang dahilan kaya napipilitan ang marami sa kanila na mas unahing paglaanan ng budget ang pagkain kesa ang kanilang personal hygiene.

Dahil dito, naisipan ng mag-inang sina Lynette Medley at anak nitong si, Nya, na mamahagi ng libreng period products sa mga kababaihan sa Philadelphia.

Ginawa din ito ng mag-inang Medley kasunod narin ng nararanasang tampon shortage at mataas na inflation na naging dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga menstrual hygiene product sa Amerika.

Kabilang sa kanilang mga libreng ipinamimigay sa mga kababaihan ang tampon, underwear, pads at menstrual cups.

September 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Ano nga ba ang sanhi ng pananakit ng likod?

Ang pananakit ng likod ay maaaring biglang maramdaman at magtagal ng 6 na linggo pababa na tinatawag na acute back pain, habang ang pananakit ng likod na mas matagal sa tatlong buwan ay chronic back pain.

Ito ay maaaring dahil sa pagbagsak o pagbubuhat ng mabigat na nakakasira sa kalamnan at mga litid sa gulugod o spine.

Posible ring dahilan ang pamamaga o pagkasira ng disk na nagsisilbing pampalambot sa pagitan ng mga buto ng spine.

Isa rin sa dahilan ang osteoporosis dahil ang buto sa likod ay maaaring magkaroon ng maliliit na fracture dahil sa kakulangan sa calcium.

Sakaling nakararanas ng ilang araw na pananakit ng likod, kailangan magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang gamot.

September 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest