Home HEALTH

HEALTH

cats

Ang lagundi ay isang halamang tumataas ng mga 5 metro.

Ngunit hindi pala ito puno at ang bawat dahon ay may 5 daliri.

Ayon sa mga Eksperto, ito’y gamot sa ubo, hika, nagpapalabas ng plema, at nagpapababa ng lagnat ng sipon o trangkaso.

Nagpapaalis din ito ng sakit ng ulo at ipin at ginagawang panlanggas sa sugat at mga kati sa balat.

Kapag nag-iba naman daw ang kulay ng pinakulong lagundi o kung may amag na, ay huwag nang inumin.

Gayunman, tulad ng ibang gamot, mahalaga pa rin daw na kumonsulta sa mga eksperto bago uminom ng nasabing halamang-gamot.

October 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam n’yo ba na maaagapan ang pagtama ng sipon at maaari ring mapadali ang pagkawala nito?

Ayon sa mga eksperto, ito’y sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga pagkaing sagana sa Vitamin C.

Kabilang sa mga gulay na mayaman sa Vitamin C ay ang singkamas, malunggay, siling pula, dahon ng gabi, siling berde, cauliflower, siling labuyo, repolyo, bayabas, mangga at papaya.

Maliban dito, malaki rin ang maitutulong ng pag-inom ng calamansi juice, pineapple juice at iba fruit juices upang labanan ang paglubha ng sipon.

October 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COCONUT WATER

Alam niyo ba ang mga benepisyong taglay ng coconut water?

Ang coconut water ay mayroong 94% ng tubig at kaunting fat content.

Ito rin ay sagana sa iba’t ibang nutrients tulad ng carbohydrates, sugar, calcium, magnesium, phosporus at potassium.

Ang pag-inom ng coconut water ay nakatutulong din sa pagpigil na magkaroon ng kidney stones dahil pinipigilan nito ang mga crystals na dumikit sa kidney at iba pang bahagi ng urinary track.

Bukod rito, mayroon din itong antimicrobial properties na nakatutulong upang maibsan ang pagkakaroon ng pimple o acne.—mula sa panulat ni Hannah Oledan

October 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba kung anong epektibong paraan para maiwasan ang bells palsy?

 Bukod sa mga gamot at pain relievers maari ring magpa-therapy ang may bells palsy gaya ng Transfer of Energy Capacitive (TECAR) and resistive therapy nakakatulong ito sa serkulasyon ng dugo.

Gumagamit ang mga eksperto ng infrared lamp kung saan kinocover nito ang apektadong muka lalo na sa mata.

Sumunod naman ang electrical stimulation kung saan para gising ang muka ng pasyenteng may bells palsy.

Maaring umabot sa anim hanggang 8 physiotherapy para bumalik sa normal ang muka ng pasyente.

Kung sakali namang walang budget may mabilisang remedies ito, lagyan ng eye-patch ang iyong mata para lagi itong nakasara at hindi ito manuyo.

Pwede ding lagyan ng hot compress ang kalahati ng iyong muka at higit sa lahat laging eexcercise ang facial expression para makabuo ng movement sa iyong mata. - sa panunulat ni Jenn Patrolla 

October 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Paronychia

Madalas ka bang nagkakaroon ng in grown na kuko? nako, baka Paronychia na iyan!

Ang Paronychia o nail infection ay karaniwang nagmumula sa bacteria na pumapasok sa balat sa pamamagitan ng mga hiwa sa cuticle at nail fold.

Madalas itong nakukuha kapag nagpuputol ng kuko, nagpapa-manicure o sa paghila ng balat sa tabi ng kuko.

Kapag napabayaan ay maaari itong magresulta sa impeksyon na mahirap gamutin.

Kung ikaw ay may mild paronychia, ibabad ang apektadong bahagi sa maligamgam na tubig sa loob ng kinse minutos.

Ito ay nakatutulong sa pag-alis ng namumuong nana sa ilalim ng balat.

Nakakatulong din ang pag lagay ng betadine dahil ito ay nakatutulong upang ma-prevent ang mga inspeksyon.

Ginagamit din ito sa pagpapagaling ng skin wounds, pressure sores at surgical incisions.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng paronychia, ugaliing iwasan ang pagkagat sa kuko o hang, masyadong maikling paggupit ng kuko at paggupit malapit sa nail fold.

Kung ikaw ay may diabetes, immuno-suppressed, o nakakakita ng signs of infection, huwagmagdalawang isip na kumunsulta sa doktor. —sa panulat ni Hannah Oledan

October 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ASMR

Hirap kaba makatulog sa gabi?

Alam niyo bang may solusyon para diyan?

Mayroong tinatawag na Autonomous Sensory Meridian Response (ASMR) o makakapag-relax na tunog upang dalawin ng antok.

Ito’y isang relaxing video na kung saan lumilikha ito ng sensation sound.

Nagtataguyod ito ng isang mahusay na benispiyo sa ating kalusugan tulad ng pagbawas ng pagkabalisa, pag-atake ng gulat at makakatulong ito sa mga hirap matulog sa gabi.

Nakakatulong din itong makapagrelax sa ating katawan. —sa panulat ni Jenn Patrolla

October 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KALABASA SQUASH

Ang kalabasa o squash ay mayaman sa Vitamin C at beta carotene na tumutulong labanan ang ibang sakit na may kinalaman sa paglabo ng mata o paglaho ng paningin.
Maliban dito, nakatutulong din ang Vitamin C para makaiwas sa pagkakaroon ng cataract.
Nakatutulong din ang kalabasa upang tumibay at maging matatag ang buto sa ating katawan dahil sa manganese at Vitamin C.
Tumutulong din ito upang labanan ang iba’t ibang uri ng sakit lalo na ang cancer.
Dahil dito, maraming benepisyong taglay ang kalabasa na nakatutulong sa ating katawan hindi lamang ito pampalinaw ng mata.

October 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Ang rambutan ay isang prutas na low on calorie at likas sa mga bitamina, mineral at antioxidants na nakapagbibigay ng maraming benepisyo sa ating katawan.
Napapababa nito ang tyansa ng pagkakaroon ng cancer dahil sa taglay nitong vitamin c na isa ring antioxidant.
Ang pag konsumo kasi ng antioxidants ay nakatutulong para labanan ang mga waste products sa katawan na maaaring makasira sa ating cells.
Nakatutulong din ito upang mapigilan ang pagkakaroon ng anemia dahil sa makukuhang iron dito.
Nalilinis din nito ang ating kidney at mabisang pantanggal ng waste minerals sa katawan.
Mabisa rin itong panlaban sa mga sakit at pampalakas ng immune system dahil napipigilan nito ang panunumbalik ng virus at pagkakaroon ng impeksyon. - sa panunulat ni Hannah Oledan 

October 10, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
ampalaya

Alam niyo na ba na may magandang benepisyo ang pagkaing Ampalaya?

Marami ang benepisyo na tinataglay ang Ampalaya kaya naman, kilala bilang laman  ng kusina ang gulay na ito dahil sa masustansiya at masarap na mapait.

Ayon sa eksperto, ang Ampalaya ay epektibong antiviral dahil mabisa itong panlaban sa impeksyon at nagpapatibay ng immune system para labanan ang mga impeksyon.

Pinaniniwalaan din ang Ampalaya ay nakakatulong para maging malinis ang dugo na dumadaloy sa katawan ng tao.

Bukod pa rito, ang gulay na ito ay nakagagamot sa bulate sa tiyan, diarrhea at iba pang sakit na problema sa tiyan.

Mainam din ito sa mga may sakit na rayuma, gout, sakit ng ulo, ubo, lagnat at hemorroids. —sa panulat ni Jenn Patrolla

October 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo bang hindi lamang pampapalinaw ng mata,  ang hatid ng pagkain ng kalabasa, sapagkat ito’y nagtataglay ng maraming bitamina sa loob nito.

Kalabasa, madalas ilarawan bilang  pampalinaw ng mata, pero bukod doon marami pang bitamina ang makukuha sa pagkaing ito.

Ang kalabasa ay nakakapagpatibay ng buto dahil sa taglay nitong manganese at vitamin c.

Nakakatulong din ang kalabasa na maiwasan ang cancer dahil nilalabanan nito ang iba’t ibang uri ng cells na nagdudulot ng sakit.

Ang nasabing gulay din ay nakakapagpababa ng blood pressure dahil sa taglay na potassium.

Kaya ano pang hinihintay niyo? Kumain na ng kalabasa! - sa panunulat ni Jenn Patrolla

October 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest