Home HEALTH

HEALTH

cats

Alam niyo bang may mga sakit na maaring makuha sa sobrang timbang o obesity?

Ang pagkakaroon ng sobra-sobrang timbang o kondisyon na obesity ay hindi lamang problema sa pisikal bagkus problema din sa kalusugan.

Makakakuha ka ng ilang sakit at ito ang mga sumusunod:

  • Sakit sa puso
  • Altapresyon
  • Stroke
  • Diabetes
  • Kanser
  • Osteoarthritis
  • Hirap sa paghinga habang tulog bato sa apdo
  • Pagkabaog at
  • Sobrang kolesterol sa dugo

Yan ang ilang mga sakit na makukuha mo kung kayo ay sobra sa timbang.

Diet at kumain na masusutansya ang sagot upang maiwasan ang obesity.

 

Kaya naman ano pa ang hinihintay niyo? Tara na’t magdiet! - sa panunulat ni Jenn Patrolla

October 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
eyes

Alam niyo ba na ang mata ang pinaka-mahalagang sensory organ ng tao? Kung kaya’t importante na pangalagaan natin ang ating paningin.
Isa sa mga pangunahing paraan ng pag-aalaga sa ating mata ay ang pagkain ng masusustansyang pagkain.
Ang mga pagkain na siksik sa nutrients tulad ng Lutein, Omega-3 fatty acid, Zinc, Vitamin A, C at E ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng glaucoma, katarata, at macular degeneration.
Bukod sa pagkakasakit sa baga, may kaugnayan din ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng sakit sa mata katulad ng panlalabo at katarata kaya’t kung maaari ay iwasan ito.
Iwasan ang pagbababad sa mga gadget screens tulad ng TV, cellphone at tablet para hindi manlabo o manuyo ang mata at magka-eyestrain.
Nakatutulong din ang regular na pagbisita sa doktor upang malaman ang mga senyales kung ikaw ay mayroon nang masakit sa mata. —mula sa panulat ni Hannah Oledan

October 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
EAR

Alam niyo ba kung ano ang sanhi ng pagkabingi o pagkawala ng pandinig?

Ang pangunahing sanhi ng pagkabingi ay nauugnay sa mga sakit tulad ng Meningitis, impeksyon sa tainga, pati na rin ng matagal na pagkakalantad sa malakas na ingay at trauma.

Dalawang pangunahing pagkawala ng pagdinig kung nasira ang panloob na ugat ng tainga, na karaniwang permanente.

Alam niyo din ba kung ano ang gamot sa pagkabingi?

Ang mga posibleng paggamot ay kasama ang paggamit ng mga implant ng cochlear, mga pantulong sa pandinig, espesyal na pagsasanay, pati na rin ang operasyon at ilang mga gamot. —sa panulat ni Jenn Patrolla

October 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PEARS - PERAS

Napag-alaman mula sa mga eksperto na ang peras ay maganda sa digestive system o sistema ng panunaw dahil sa mga fiber na taglay nito.

Sinasabing napapanatili rin ang kabusugan sa mahabang oras kapag ito ang kinain.

Maliban sa malaking maitutulong ng prutas ng peras para sa mga nagpapapayat, napapababa rin nito ang level ng cholesterol, at nakatutulong upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso at naiiwasan na ma-develop ang diabetes.

Dagdag pa ng mga eksperto, may taglay din na vitamin C ang peras na pampalakas ng ating immune system.

October 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam n’yo ba na bang maraming benepisyong makukuha sa pagkain ng Caimito?

Ayon sa mga eksperto, mainam itong pangontra sa Diabetes.

Bukod dito, nakapagpapaalis din ito ng mga bulate.

Sinasabing nakabubuti ang pinaglagaan nito sa tiyan at baga habang ang katas nito ay mabuti rin sa paghilom ng sugat.

October 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VIDEO GAMES

Kadalasang nag-aalala ang mga magulang kaugnay sa masasamang epekto ng video games sa kanilang mga anak, ngunit alam niyo ba na may magandang maidudulot din ang paglalaro nito?

Batay sa pinakabagong pag-aaral sa US na inilabas ng Jama Network Open kung saan tinutukan nito ang detrimental effects ng video games sa depression at aggression.

Matapos ang isinagawang statistical methods, lumabas na bumuti ang working memory ng mga video gamers.

Nag-improve din ang attention at memory ng mga video gamers batay sa Functional Magnetic Resonance Imaging (FMRI).

Gayunman, ang nasabing pag-aaral ay limitado lamang sa maliit na bilang ng participants, partikular ang mga may kinalaman sa brain imaging.

October 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Mahilig ba kayo sa mga pagkaing maaanghang?
Alam niyo ba na bukod sa pampagana ito sa ating pagkain, ay may kalakip din itong benepisyo.
Ang capsaicin na sikretong sangkap ng sili ay katunayang ginagawang supplement.
Mayaman din ang sili sa vitamin a, vitamin c, potassium, folic acid, at fiber.
Posible din nitong mapigilan ang pagkakaroon ng diabetes ayon sa isang pag-aaral at nakitang nakapag-papa-baba ito ng blood sugar.
Mabisa rin itong pampapayat dahil napapabilis nito ang ating metabolism at nagpapainit ng katawan na siyang dahilan ng pagbabawas ng calories.
Napipigilan din nito ang pag-babara ng ugat sa puso, pagpapaluwag ng baradong ilong, at pag-alis ng sakit sa katawan tulad ng arthritis. - sa panunulat ni Hannah Oledan

October 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAPE

Isiniwalat ng mga eksperto na makatutulong ang kape para maiwasan ang Alzheimer’s disease at panghihina ng ating isipan.

Ayon sa mga pag-aaral, may sangkap na antioxidants at caffeine ang kape.

Bukod dito, may tulong din ito sa pag-memorya ng ating inaaral pero panandalian lang ang epekto nito.

Sinasabing puwedeng uminom ng isa o dalawang tasang kape sa maghapon.

Ngunit ibinabala rin ng mga eksperto na hindi dapat sobrahan ang pag-inom ng kape dahil lahat naman ng sobra ay masama.

October 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ADLAI RICE

Kung naghahanap naman kayo ng healthier option bukod sa white rice, Adlai rice ang para sa inyo.

Ang Adlai rice ay may pagkakapareha sa mais at kanin at karaniwang matatagpuan sa Eastern at Southern Asia.

Kamukha at kalasa ito ng regular na kanin na may slight nutty flavor.

Mainam ito sa mga nagda-diet lalo na sa mga nagmomonitor ng kanilang calorie intake dahil ito ay isang energy-dense at nutritionally-dense food kaya kahit sa kaonting serving, ay mabubusog ka na.

Sagana rin ito sa protein at high dietary fiber na nagnu-nourish sa probiotic bacteria sa ating bituka na nag-aalis ng masamang kolesterol at nagpapabagal sa pagsipsip ng glucose sa katawan.

May taglay din itong calcium na nakapag-papatibay ng buto at ngipin na importante sa nerve transmission, blood clotting, at muscular function.

At bukod sa lahat, ito rin ay gluten free kaya’t safe na safe ito para sa mga taong may gluten-sensitivity. —sa panulat ni Hannah Oledan

October 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CALAMANSI

Alam mo ba na hindi lang Vitamin C ang kayang i-offer ng Calamansi extract?

Bilang miyembro ng Citrus family, may pagkaka pareho ang benepisyo ng Calamansi juice sa lemon at orange.

Nakatutulong ang Calamansi juice sa pagpapababa ng cholesterol level sa katawan at kalauna’y napipigilan ang posibilidad ng pagkakaroon ng heart diseases dahil sa taglay nitong pectin, isang soluble fiber na nagpapababa ng Low-Density Lipoprotein (LDL).

Ang pagkakaroon ng mataas na LDL ay humahantong sa isang buildup ng kolesterol sa mga arterya.

Napapababa nito ang posibilidad ng pagkakaroon n diabetes dahil nakakatulong ito sa pag-i-i-stablize ng glucose level sa katawan, pagpapababa ng level ng glucose sa dugo at i-regulate ang secretion ng insulin.

Nakatutulong din ito sa pagbabawas ng body odor dahil sa antibacterial qualities nito.

Magdagdag lamang ng katas ng Calamansi sa iyong tubig na pampaligo at hayaan itong makatulong na linisin ang hindi kanais-nais na amoy mula sa iyong balat. —sa panulat ni Hannah Oledan

October 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest