Home HEALTH

HEALTH

PANICK ATTACK

Alam niyo ba ang sintomas ng panic attack?

Ang panic attack ay isang pakiramdam ng biglaan at matinding pagkabalisa, maari ring magkaroon ng mga pisikal na sintomas kabilang ang panginginig, hindi regular na tibok ng puso at tuyong bibig.

Ilan sa mga sintomas nito ay ang:

  • kabog sa dibdib,
  • pinapawisan ang kamay,
  • nanginginig,
  • parang hindi makahinga,
  • barado ang lalamunan,
  • sumisikip ang dibdib,
  • makulo ang tiyan,
  • nahihilo,
  • nawawalan ng kontrol sa sarili,
  • manhid ang kamay at paa,
  • nanlalamig o umiinit ang katawan.

Ayon sa eksperto, huwag mag-alala dahil kadalasan ay walang seryosong sakit ang panic attack. —sa panulat ni Jenn Patrolla

November 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ubas

Bugtong bugtong, sa loob ng isang sanga kami ay lagpas lima at kulay lila. Ano kami?

Bagamat may kamahalan ay marami namang makukuhang benepisyo sa pagkain ng ubas.

Nakapagpapatibay ito ng buto dahil sa taglay nitong iron, manganese at copper na importante sa pagpapanatili ng kalusugan sa buto at para maiwasan ang mga sakit tulad ng Osteoporosis.

Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng mataas na uric acid dahil sa high water content nito na nakatutulong din upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon sa kidney.

Napapalakas din nito ang ating immune system dahil siksik ito sa Antioxidants tulad ng Vitamin C na mahalaga upang labanan ang iba’t ibang uri ng sakit. —sa panulat ni Hannah Oledan

November 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TARO

Mahilig ba kayong kumain ng taro?

Alam niyo ba na ang starchy-root vegetable na ito ay likas sa fiber at iba pang nutrients?

Nakapagbibigay din ito ng maraming benepisyo sa kalusugan tulad ng mas maayos na blood sugar management, gut at heart health.

Nag-o-offer din ito ng Anti-cancer properties dahil sa plant-based compound nito na polyphenols.

Matatagpuan dito ang Quercetin na nakakatrigger ng cancer cell death at napapabagal ang growth ng ilang uri ng cancer.

Dahil sa mataas na fiber at starch content nito, maaaring magkaroon ng pakiramdam ng pagkabusog ang taong kumakain nito, bawasan ang calorie intake at increased fat burning na posibleng humantong sa pagbaba ng timbang at pagbaba ng taba sa katawan.  —sa panulat ni Hannah Oledan

November 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam n’yo ba na maraming benepisyong makukuha sa pagkain ng upo?

Ang upo o bottle gourd ay isang gulay na malalaki ang bunga.

Aba’y ang bunga nito ay masarap i-ulam habang ang balat ng bunga nito ay kulay berde at medyo makapal ang baging nito.

Kailangang nito ng magandang sikat ng araw para mabuhay.

Sinasabing mainam ang upo sa mga may hypertension dahil nakakatulong ito na maiwasan ang high blood pressure habang nakakapagpababa din ito ng sugar level at nakakatulong maiwasan ang urinary tract infection.

November 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba ang celery o kintsay ay maraming taglay na nutrisyong pangkalusugan?

Ayon sa mga eksperto, ang celery o kintsay ay isang crispy, crunchy na gulay na talagang maraming benepisyo sa kalusugan.

Ito’y nagtataglay ng antioxidant na nagpoprotekta sa daloy ng dugo.

Naglalaman rin ang kintsay ng vitamin c at nutrients na matatagpuan mismo sa tangkay nito.

Nakakatulong din ang kintsay na mabawasan ang pamamaga ng katawan at maiwasan ang mga sakit sa buto at osteoporosis.

Bukod dito, may mga minerals din ito tulad ng magnessium, iron at sodium na nakakatulong sa kalusugan ng tao.

Ayon sa mga eksperto, marami mang benepisyong taglay ang kintsay ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.

November 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Walang magulang na hindi matutuwa kung matalas ang isip ng kanilang baby.

Ayon sa mga eksperto, may ilang senyales para malaman kung matalino ang isang bata.

Una, maagang naaabot ang milestones kumpara sa kanyang mga ka-edad.

Pangalawa, kayang-kayang mag-focus sa isang bagay at hindi kinakabahan kapag tinatanong.

Nag-e-enjoy din daw ang isang matalinong bata sa pagso-solve ng problems.

Kung minsan, gusto rin daw nitong mapag-isa at lubos na mausisa o laging may tinatanong sa ilang bagay na gusto nitong malaman.

Senyales din daw na matalino ang isang bata kapag lagi itong alerto.

November 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Kasabay ng pagdating ng mga bagyo at pagbaha sa bansa ay ang posibilidad na magkaroon ng leptospirosis.
Ito ay isang impeksyong dulot ng Leptospira Spirochetes Bacteria na mula sa mga infected na hayop tulad ng daga.
Maaari itong humalo sa tubig baha at pumasok sa mga open-wounds, mata, ilong at bibig.
Ang mga taong may leptospirosis ay maaaring makaramdam ng lagnat, pananakit ng katawa, pananakit ng ulo, paninilaw ng balat, sakit ng tyan at rashes.
Para makaligtas sa banta ng leptospirosis, iwasan ang paglusong at pagtampisaw sa baha.
Maaari ring gumamit ng bota, overalls at goggles kung kailangang lumusong sa baha. Nakatutulong din ang rat traps at rat poison para makontrol ang pagdami ng mga peste tulad ng daga.
Maaari namang mapigilan ng antibiotic ang leptospirosis para sa mga taong sumusulong sa baha ngunit ayon sa mga eksperto, magpakonsulta muna sa doktor bago uminom ng anumang uri ng gamot.

 

- sa panunulat ni Hannah Oledan

October 31, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo bang may mga sakit na maaring makuha sa sobrang timbang o obesity?

Ang pagkakaroon ng sobra-sobrang timbang o kondisyon na obesity ay hindi lamang problema sa pisikal bagkus problema din sa kalusugan.

Makakakuha ka ng ilang sakit at ito ang mga sumusunod:

  • sakit sa puso
  • altapresyon
  • stroke
  • diabetes
  • kanser
  • osteoarthritis
  • hirap sa paghinga habang tulog bato sa apdo
  • pagkabaog at
  • sobrang kolesterol sa dugo

Yan ang ilang mga sakit na makukuha mo kung kayo ay sobra sa timbang.

Diet at kumain na masusutansya ang sagot upang maiwasan ang obesity. - sa panunulatni Jenn Patrolla

 

October 31, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SLEEP

Ano nga ba ang epekto sa utak ng sobrang pagtulog?
Alam niyo ba na mabilis na nakakapagpababa ng cognitive ng isang tao ang pagtulog ng sobra sa siyam na oras sa isang araw?
Maaari itong humantong sa mas mahinang kakayahan sa pag-iisip tulad ng pagmememorya konsentrasyon o atensyon at maaaring magresulta sa dementia sa paglipas ng panahon.
Maaaring sanhi ito ng ilang mental disorder tulad ng depression at anxiety at ng ilang sleep disorders tulad ng sleep apnea, insomnia, at narcolepsy.
Para mapanatiling malakas at healthy ang utak, ugaliing magkaroon ng normal na dami ng tulog na anim hanggang walong oras bawat gabi at regular na pagsasanay ng utak. —mula sa panulat ni Hannah Oledan

October 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba ang epekto at sintomas ang isang stress?

Ang stress ay isang reaksyon ng katawan sa mga sitwasyon na tinataya nitong harmful o delikado sa isang tao.

Kapag ang katawan ay nasa stress response, tumataas ang heart rate o bilis na pagtibok ng puso kasabay ang pagbilis ng paghinga, paghigpit ng mga kalamnan at pagtaas ng blood pressure.

Ang mga sintomas nito ang mga sumusunod:

  • Kawalan o pagtaas ng gana kumain
  • Labis na pagkabalisa, pag-aalala, pagiging guilty, at pagiging kabado;
  • Insomnia;
  • Pagkakaroon ng mga bangungot;
  • Hirap sa pag-concentrate;
  • Pagiging hirap sa pagproseso ng bagong impormasyon;
  • Pagiging makakalimutin;
  • Hirap sa paggawa ng desisyon;
  • Kawalan ng gana sa pagtatrabaho at mga karaniwang nae-enjoy na gawain;
  • Kawalan ng gana sa pakikipag-usap;

Maari niyong maiwasan ang stress ay dapat magkaroon ng active lifestyle at pahinga, kumain nang tama at uminom ng vitamins C. - sa panunulat ni Jenn Patrolla

October 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest