Home HEALTH

HEALTH

cats

Hindi maitatanggi na ang ampalaya ay mabuti para sa mga taong may diabetes.
Nabatid na malaki ang maitutulong ng paglaga sa dahon nito at pag-inom ng isa hanggang tatlong beses maghapon.
Kailangan din daw na inumin ito kalahating oras bago kumain.

Maliban dito, mainam din ang ampalaya para sa mga babaeng kapanganganak lamang dahil ito’y nakapagpapalakas sa kanila.

November 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam n’yo ba na malaki rin ang naitutulong ng pag-inom ng calamansi juice, pineapple juice at iba fruit juices upang labanan ang paglubha ng sipon?
Ang pinaka-karaniwang panlaban sa sipon ay Ascorbic Acid o Vitamin C.
Sa kasalukuyan, wala pa talagang gamot na tuluyang pupuksa sa mga virus na nagdudulot ng matinding sipon dahil kusa na lang itong nawawala sa paglipas ng mga araw.
Bukod dito, ayon sa mga eksperto, may isa pang paraan upang mapaluwag ang paghinga sa mga sandaling barado ang ilong dahil sa sipon at ang tawag dito’y suob o tuob.

November 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na ang dementia ay hindi isang medical condition kundi grupo ito ng mga sintomas na may kasamang hirap sa pag-iisip at pagsasalita.

Malaking porsiyento ng pagkakaroon ng dimentia ang alzheimer’s disease habang ang parkinson’s disease ay may malaking epekto sa pagkilos at pag-iisip.

Isa rin ang traumatic brain injury at kakulangan sa nutrisyon sa pagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng dimentia ang isang indibidwal

Samantala, ang mga sintomas naman nito ay ang:

  • pagiging malilimutin sa maraming bagay
  • pakakaroon ng pagbabago sa pagsasalita
  • hindi makapag isip ng tama at pagkatuliro
  • pagbabago ng pag-uugali atmadalas na pagkawala sa mood
  • pagkakaroon ng hallucination

Upang makaiwas sa pagkakaroon nito, ugaling paganahin ang utak sa pamamagitan ng pgbabasa at paglalaro ng mga mind games.

Tiyakin din na may sapat na tubig at vitamin d sa katawan, kumain ng tama at masusustansyang pagkain at pag-eehersisyo sa pagpapalakas ng resistensya. – sa panunulat ni Hannah Oledan

November 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ihi urine

Manilaw nilaw ba ang ihi mo? halina’t alamin natin ang naging dahilan nito.

Ang mga posibleng dahilan nito ay ang:

  • Dehydration o kakulangan sa iniinom na tubig.
  • Infection o UTI
  • Pagdurugo sa loob ng ari
  • Infection o sakit sa bato o Kidney
  • Sakit sa atay o lapay
  • Paginom ng dark colored drink tulad ng kape o softdrinks
  • Cancer
  • Hepatitis
  • paginom ng mga gamot gaya ng Antibiotics

Mahalagang mabantayan ang kulay ng ating mga ihi upang mahanapan ng solusyon, hindi lumala at mauwi sa seryosong karamdaman.

Komunsulta agad sa doktor sakaling may iregularidad na pag-ihi o abnormal na pagsakit ng pantog tuwing umiihi.  —sa panulat ni Jenn Patrolla

 

November 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pagod

Alam niyo bang mayroong sampung warning signs na hindi healthy ang isang tao?

Ayon sa eksperto, dapat nakaalerto kung mayroon man sa mga signs na mararamdaman lalo na sa mga 40 pataas ang edad.

Binubuo ito ng mga sumusunod:

  • biglang nangayayat ng walang dahilan o unexplained weight loss.
  • may lagnat kahit low grade fever o high grade fever.
  • hirap huminga palagi o may panic attack.
  • laging masakit ang tiyan
  • sobrang manas ang paa
  • laging pagod na pagod kahit nakatulog ng walong oras.
  • dark yellow urine
  • unstable personality o nagbabago ang ugali
  • anumang pagdurugo sa katawan
  • laging inuubo at sinisipon

Sa mga nakakaramdaman o nakararanas sa 10 senyales na nabanggit agad na magpakonsulta sa doktor upang matignan ang iyong kalusugan. —sa panulat ni Jenn Patrolla

November 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TENDONITIS

Madalas bang manakit ang inyong muscles? maaaring Tendonitis na iyan.

Ang Tendonitis ay ang pamamaga o pagkapunit ng mga tendon sa pagitan ng muscles at buto.

Nagkakaroon ng Tendonitis ang isang tao kapag ito ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay at biglaang pa-stretch sa apektadong bahagi ng katawan.

Maaari ring sanhi nito ang maling posisyon ng katawan sa pag-upo at kakulangan sa stretching o warm-up exercise.

Ang taong may Tendonitis ay mahihirapang maigalaw ng wasto ang apektadong bahagi ng kanilang katawan.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng Tendonitis, siguraduhing dahan-dahang gumalaw kapag nagsasagawa ng mga physical activity.

Gumamit rin ng tamang lakas sa mga gawain at iwasan ang paulit-ulit na paggawa rito.

Maaari din itong malunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng pain killers, paga-apply ng ice sa namamagang bahagi ng katawan at compression. —sa panulat ni Hannah Oledan

November 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Hindi lamang isang sikat na pampaasim ng sabaw o putahe ang bunga ng sampalok.

Ito rin ay mayroong benepisyo sa katawan na panlaban sa ilang sakit dahil sa taglay nitong mga bitamina at mineral.

Taglay ng sampalok ang antioxidants, anticancer properties, folic acid, niacin, iron, zinc at iba pa.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, mabisang panlaban ang sampalok sa anemia o iyong pagiging kulang sa dugo.

Makatutulong din ang pag-inom ng pinakuluang mga dahon ng sampalok para sa mga sakit sa baga, almonaras, lagnat, sipon at mga impeksyon.

November 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na maraming benepisyong pangkalusugan ang patatas?

Taglay ng patatas ang iba’t ibang bitamina at mineral na nakakatulong mapalakas ang katawan.

Ang patatas o potato  ay maraming antioxidant na maaaring mabawasan ang panganib sa mga malalang sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes at ilang uri ng kanser.

Nakakatulong din ang patatas makontrol ang blood sugar sa katawan.

Ang pagkain ng patatas ay nakakatulong din upang malabanan ang stroke.

Bukod dito,  pwede ring isama sa diet foods ang patatas na nakatutulong makadagdag enerhiya sa katawan.

Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyo ang patatas sa ating katawan ngunit mainam na kumonsulta sa mga eksperto upang mas mapangalagaan ang  katawan.

November 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MANGOSTEEN

Bugtong-bugtong…santol ko sa tabi, nagbabalat kayo ng ube. Ano ako?

Mababa man sa calories, siksik naman ang mangosteen sa nutrients.

Alam niyo ba na ang mangosteen ay likas sa protina, fiber, carbohydrates, magnesium at Vitamin C, B9, B1 at B2.

Alam niyo ba na ang mangosteen ay likas sa fiber na nakapagpapadali sa ating pagbabawas, protina na kailangan ng ating mga muscles at antioxidants tulad ng vitamin c na nakatutulong na malabanan ang anumang uri ng sakit.

Mayroon din itong anti-inflammatory properties dahil sa taglay nitong Xanthones na nakapag-papababa ng posibilidad ng pagkakaroon ng cancer, heart disease at diabetes.

Nakapagpo-promote din ito ng weight loss dahil nakatutulong ang anti-inflammatory properties nito para mapigilan ang pagtaas ng timbang.—mula sa panulat ni Hannah Oledan

November 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PROTEIN

Alam niyo ba kung anong dapat iwasan at pagkaing mainam sa mga taong may Tubercolosis (TB)?

Ang Tubercolosis ito ay isang nakakahawang sakit kung saan nagdudulot ng malubhang sakit sa baga, bato, galugod at utak tulad ng mycobacterium tuberculosis bacteria.

May ilang uri ng pagkain ang dapat iwasan ng mga may TB upang mapabilis ang kanilang paggaling at ito ang mga sumusunod:

  • matatamis
  • maaalat
  • stimulants o pagkaing nagpapabilis ng pagtibok ng puso
  • karne
  • alak at paninigarilyo

At Syempre huwag mag-alala dahil hindi naman lahat ng pagkaing masasarap ay dapat iwasan, mayroon ding mga pagkain na makatutulong sa iyong kalagayan tulad ng:

  • dark leafy greens tulad ng kangkong, malunggay, at spinach
  • whole grains o kumain ng brown at red rice.
  • makukulay na gulay at
  • unsaturated fats o gumamit ng vegetable oil, coconut oil at olive oil

Magpakonsulta rin sa doktor upang malaman kung may kakulangan sa nutrients ang iyong katawan. —sa panulat ni Jenn Patrolla

November 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest