Home HEALTH

HEALTH

cats

Ang guyabano o soursop sa ingles ay isang uri ng prutas na taglay ang iba’t ibang sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan.

Pangunahing substance na sangkap ng guyabano ang cardiac glycosides, flavonoids, steroids at tannins.
Ang mga compound na ito ay kilala bilang panlaban sa mga chronic disease tulad ng cancer at cardiovascular at gastrointestinal disorders.

Bukod dito, ang guyababo rin ay mayroon carbohydrates, retinol, ascorbic acid, vitamin c, b1, b2, potassium at dietary fiber.
Ang prutas na ito ay makatutulong bilang pampalakas ng immune system, agpapababa ng high blood pressure, nakakabuti sa muscle at joint pains, at pampatibay ng mga buto at ngipin.

November 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng eye bags ay isang common na problema kapag nagkaka-edad na.

Ito ay dahil humihina na ang muscles at tissue na nakapalibot sa mata.

Payo ng mga eksperto upang mawala ang eye bags, gumamit ng green tea bag bilang “age-old method”

Taglay nito ang antioxidant na nakakapag-rejuvinate ng balat at nagbabawas ng pamamaga at pamumula.

Palamigin lamang ang tea bags sa refrigirator, at pagtapos ay ibabad ng 1- to 15 minutes sa eye lids.

Mainam din ang cucumber o pipino para sa eye bags at dahil may cooling effect ito na nakababawas sa pamamaga.

Samantala, pwede rin gumamit ng eye cream ngunit alamin muna ang mga sangkap na mayroon ito upang maiwasan ang hindi magandang epekto.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CPR

Alam niyo ba na maaaring madoble o matriple ang chance of survival ng isang tao kapag ito ay na-CPR matapos ma-cardiac arrest?

Ang C.P.R. o cardiopulmonary resuscitation ay isang lifesaving technique kung saan pinananatili nito ang proper flow ng blood at oxygen sa katawan matapos tumigil sa pagtibok ang puso at paghinga ang isang tao.

Ang pagsi-C.P.R. sa isang tao ay nakadepende sa edad nito.

Para sa infants o sanggol, thumb o daliri ang gamit habang isang kamay naman para sa mga bata at dalawang kamay naman sa mga adults.

Mayroon din dalawang uri ng CPR, ang hands-only CPR at traditional CPR with breaths.

Sa hands-only CPR, inilalagay ang kamay sa dibdib ng pasyente at itinutulak ito ng mabilis para hindi maantala ang pag-flow ng dugo sa katawan. Ito ay tinatawag na chest compression.

Habang ang traditional CPR with breaths ay may alternate chest compression at mouth-to-mouth breaths. Sa pamamaraang ito, binibigyan ang katawan ng mas maraming oxygen habang nasa critical condition bago dumating ang tulong.

Samantala, ang mga taong walang CPR training ay inaabisuhang gumamit ng hands-only CPR. —mula sa panulat ni Hannah Oledan

November 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
13

Madalas ba manuyo ang inyong bibig?

Maraming nagtatanong na ang panunuyo ng bibig o labi ay maaring may masamang epekto sa ating kalusugan?

Ang kasagutan diyan, ang panunuyo ng bibig may posibilidad na isang maagang sintomas ng diabetes.

Ayon sa eksperto, hindi makokontrol ang diabetes o mataas ang asukal sa dugo bagama’t ang labis na asukal sa katawan ay lumalabas sa ihi kaya ito ang nagiging sanhi ng dehydrated.

Kaya naman, ang kadalasang sintomas ng diabetes ay dry mouth o panunuyo ng bibig, madalas na pag-ihi at pagbaba ng timbang.

Suriin ang iyong fasting blood sugar upang matiyak kung may diabetes.

November 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
5

Bakit kaya mabilis ang tibok ng puso kapag tayo ay ninenerbiyos?

Ayon sa isang eksperto, ang katawan natin ay naglalabas ng isang kemikal na tinatawag na ‘Epinephrine’ kung saan ginagamit ng ating kung may peligro.

Kapag tayo ay nagagalit o may matinding problema, naglalabas ng ‘Epinerphrine’ ang ating katawan kaya bumibilis ang tibok ng ating puso.

Para sa mga may niyerbiyos maaring uminom ng pangpakalmang gamot o magpareseta sa doktor.

May natural ding paraan upang labanan ang kaba.

  • Umupo sa isang tabi at huminga ng malalim at mabagal ng walong beses.

Kumain ng saging at uminom ng isang basong tubig upang marelaks ang katawan. – sa panunulat ni Jenn Patrolla 

November 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CANTON TUMOR

Bukod pa rito, magkasamang nagbakasyon sa italy ang dalawa noong Oktubre na naging dahilan para bigyang kahulugan ng netizens ang naturang mga sweet post.

Alam niyo ba kung ano ang sintomas ng nasopharyngeal carcinoma?

Ito’y kilala ring ‘canton tumor’ at matatagpuan sa gitnang bahagi ng ulo, likod ng ilong at sa itaas ng lalamunan.

Ang mga posibleng sintomas nito ang

  • bukol sa leeg na sanhi ng pamamaga
  • dugo sa laway
  • dugo mula sa ilong
  • pagbabara ng ilong
  • pagkawala ng pandinig
  • madalas na impeksyon sa tainga
  • sakit sa lalamunan
  • at sakit sa ulo.

Samantala, maiiwasan ang ganitong uri ng sakit basta’t iwasan ang kahit anong uri ng maaalat at burong pagkain at bawasan din ang de-lata o nakapreserba na pagkain.

Magpakonsulta agad sa doktor upang maagapan ang nasabing sakit. —sa panulat ni Jenn Patrolla

November 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
hyperventilation

Pamilyar ba kayo sa sakit na Hyperventilation?

Ang Hyperventilation ay isang kondisyon na nahihirapan sa mabilis at malalim napaghinga.

Isa sa sintomas nito ang nagdudulot ng high pulse rate at pakiramdam na panghihina o pagkahilo na maaring may cramping sa mga kamay at paa.

Mga dahilan ng hyperventilation ay mga sumusunod:

Medikal na dahilan tulad ng pagdurugo, pagbubuntis, matinding sakit, mga problema sa puso tulad ng atake o heart failure, sakit sa baga, overdosing sa mga gamot.

Habang sa emosyonal na kadahilanan naman ay ang panic attack, stress, pagkabalisa at kinakabahan.

Para naman sa recovery kumuha ng paper bag at ilagay ito sa bibig at ilong habang humihinga upang hindi bumaba ang oxygen level sa katawan.

Agad na magpakonsulta sa doktor upang ito’y hindi lumala. —sa panulat ni Jenn Patrolla

November 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIKMURA TIYAN BELLY ACID ETC

Lahat tayo ay nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Ito ay kapag nalilipasan ng pagkain o kaya ay na-stress sa trabaho.

Ang paglalabas ng sobrang acid ang dahilan kaya humahapdi ang sikmura.

Ang tawag dito ay gastritis na kung lumala ay puwedeng maging ulcer.

Para maiwasan ang maghapdi ng sikmura, gawin ang mga sumusunod;

  1. Kumain sa tamang oras.
  1. Laging kumain ng saging at tinapay, bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura habang ang pandesal ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa.
  1. Uminom ng tubig pakonti-konti. Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.
  1. At sa huli umiwas sa pagkaing nakakahapdi ng tiyan. Lalo na ‘yung maasim at maanghang.
November 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Ang tokwa o tofu ay pagkaing mataas sa protina at fat pero mababa sa carbohydrate.

Ito ay ikinokonsiderang low-carb vegetarian o para sa vegan diet.

Ang tokwa ay may taglay na iba’t ibang bitamina at mineral.

Kasama na rito ang fiber, manganese, calcium, selenium, magnesium, iron at zinc.

Makatutulong ang pagkain ng tokwa upang mapabuti ang metabolism, maiwasan ang risk ng anemia, at pagkakaron ng healthy cholesterol levels.

November 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
hijyen-ve-sanitasyon-egitimi

Ang “Sanitation” o sanitasyon ay isang pangkalinisang gawain o pamamaraan na ang layunin at iwasang magkaroon ng kontak ang mga tao o ang mga sanhi ng sakit mula sa kapaligiran upang mapanatili ang kalusugan.

Ayon sa mga eksperto, ang sanhi ng mga sakit ay maaaring pisikal, kemikal, mga mikrobyo, at iba pa na maaaring makuha sa mga basura, maduming tubig at hangin, at mga ingay.

Dahil dito, ipinapayo ang paggamit ng solusyon tulad ng paglalagay ng maayos na imburnal, simpleng teknolohiya sa pamamagitan ng pagtatayo ng palikuran na may poso negro o kaya’y sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay na may gamit na sabon o disinfectants.

Ang sanitasyon, ayon sa mga eksperto, ay maaari ding gamitin sa isang konsepto, lugar, istratehiya, programa o anumang aspeto.

November 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest